Himig Heswita - Liwanag ng Aming Puso paroles de chanson

paroles de chanson Liwanag ng Aming Puso - Himig Heswita



Liwanag ng aming puso, sa ami'y manahan Ka
Ang init ng 'Yong biyaya, sa ami'y ipadama
Patnubay ng mahihirap, oh, aming pag-asa't gabay
Sa aming saya at hapis, tanglaw Kang kaaya-aya
Liwanag ng kaaliwan, sa ami'y dumalaw Ka
Kalinga Mo ang takbuhan, noong unang-una pa
Pawiin ang aming pagod, ang pasani'y pagaanin
Minamahal kong kandungan, sa hapis, kami'y hanguin
Liwanag ng aming puso, sa ami'y manahan Ka
Idulot Mo po sa amin, kapayapaang wagas
Ang 'Yong gantimpala't mana, pangako Mong kasarinlan
Ang bunga ng pagkandili, ligaya magpakailanman
Du-du-du-du-du-du-du-du-du




Himig Heswita - Parihi't Pasalamatan
Album Parihi't Pasalamatan
date de sortie
13-11-2013



Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.