Jamie Rivera - Kuya Pedro paroles de chanson

paroles de chanson Kuya Pedro - Jamie Rivera



Ang pagtulong sa kapwa'y pagmamahal sa Diyos
Ang taong tapat sa Diyos, umiibig ng taos
Pananampalataya sa Ama'y binubunyi
Ganyan ang kuya Pedro ko, alagad na totoo
'Di ka n'ya iiwan sa panahon ng pighati
Huwaran ng kabataan, larawan ng katapangan
Kaibigang tunay na nag-alay ng buhay
'Yan nga ang kuya Pedro ko, kaibigang totoo
Pinagpala ka kuya Pedro na magturo sa buong mundo
Ng pagmamahal sa Diyos, ng pag-ibig N'yang lubos
Kuya Pedro, kami'y turuan mo
May pag-ibig sa kapwa sa'n man mapunta
Tumutulong sa tao, 'di man n'ya ito kilala
At kapayapaan ang s'yang minimithi
S'ya nga ang kuya Pedro ko, kapatid na totoo
Pinagpala ka kuya Pedro na magturo sa buong mundo
Ng pagmamahal sa Diyos, ng pag-ibig N'yang lubos
Kuya Pedro, kami'y turuan mo, ooh
Pinagpala ka kuya Pedro na magturo sa buong mundo
Ng pagmamahal sa Diyos, ng pag-ibig N'yang lubos
Kuya Pedro, kami'y turuan mo
Kuya Pedro, kami'y tulungan mo



Writer(s): Noel Espenida


Jamie Rivera - Jamie Rivera Sings The Songs Inspired By the Life of St. Pedro Calungsod




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.