Mike Kosa feat. Skusta Clee & Og Sacred - Iisang Tulay paroles de chanson

paroles de chanson Iisang Tulay - Mike Kosa , Skusta Clee



Tirik ang araw nakalinya siksikang nakapila
Tumutok ang pangalan sa roleta't Makilala
Sa daming kumikinang marami parin ang iilang
Yamang 'di pa nakikita na parang Yamashita
Iba't ibang pakara kanya-kanyang mga padama
May mahusay, may pera, may tyaga at nakachamba
Patipato ang gusto, kahit may pamanggulo
Kung sugal ay unahan sa tuktok ng triangulo
Industriyang kinamulatan nating tila paligsahan
Kanino tatapat ang ilaw dito sa gitna
Aral na di kagad pumasok sa ulong may katigasan
Umabot na sa puntong magpalitan ng tingga
Mga iheng nagtaasan mga kwentong paangasan
'Ngyare tong lahat sa nilakaran kong daanan
Alam mo na 'di kailangan mgbungguan magbanggaan
Kung tayo tayo din ang magkikita sa hangganan
Kaya bakit ba tayo'y hindi susunod sa tadhana
Halika na't kumapit ka tayo din naman ang magkakasama
Sa industriya ng musika isa lang ang dadaanan
Isa lang ang dadaanan nating tulay
Ibat ibang himig minsan negosyo minsan ay hilig
May mga bunga ng galit at may dahil sa pag-ibig
Maraming nagsisitsitan, sa daming nagsisiksikan
Sa pila nag sisingitan sa pwesto nag kikiskisan
Kampo-kampo bukod-bukod lahat may saksak sa likod
Pag bago para bang obligadong maging taga sunod
Lahat may pang ambag lahat puro gigil
Kada may dadagdag meron naniningil
Nakikiuso lang pag bago laos na pag naluma
Mababaw pag sumikat pg malalim di makuha ng kamulatang pasa pasa
Dekada ng sistema sa industriya at sa kultura
Sama sama sa isang tulay habang naglalaglagan
Kapayapaan ang sinisigaw habang Nagbabanggan
Tayo tayo di na magbabago lika sumama ka
Buksan ang isip na sarado sa pagkakaisa
Kaya bakit ba tayo'y hindi susunod sa tadhana
Halika na't kumapit ka tayo din naman ang magkakasama
Sa industriya ng musika isa lang ang dadaanan
Isa lang ang dadaanan nating tulay
Hatakan tayo paakyat, hangga't sa umangat
Hanggang ang ating musika ay tangkilikin ng lahat
Akayin ang mga luma gabayan ang mga bago
Bawas nega bawat kilos dapat laging positibo
Sakripisyo tyaga at hirap pagsusumikap
Ang mangarap ang hakbang sa katuparan ng pangarap
Alam ko na alam nyo rin
Na kaya natin 'tong gawin
Sa ngalan ng kultura sama sama natin tawirin
Kaya bakit ba tayo'y hindi susunod sa tadhana
Halika na't kumapit ka tayo din naman ang magkakasama
Sa industriya ng musika isa lang ang dadaanan
Isa lang ang dadaanan nating tulay
Kaya bakit ba tayo'y hindi susunod sa tadhana
Halika na't kumapit ka tayo din naman ang magkakasama
Sa industriya ng musika isa lang ang dadaanan
Isa lang ang dadaanan nating tulay



Writer(s): Mike Kosa


Mike Kosa feat. Skusta Clee & Og Sacred - BETERANO
Album BETERANO
date de sortie
07-08-2020



Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.