Moira Dela Torre - Pabilin paroles de chanson

paroles de chanson Pabilin - Moira Dela Torre



Ipikit man ang mata't hilingin
Na s'ya ay muling kasama, kausap, kapiling
Kailangang tanggapin na wala na s'ya sa akin
Ngunit heto ang mga pabilin
Yakapin mo s'yang mahigpit 'pag s'ya ay galit
Manatili sa kanyang tabi
Hawakan ang kanyang mukha, tignan sa mata
Ipaalalang kakampi ka n'ya
Sana'y gawin ang lahat ng 'di ko nagawa
'Wag ibalewala ang mga oras
Na s'ya'y masungit at ulo'y mainit
'Pag kailangan ka n'ya, 'wag kang mag-antala
S'ya'y amuhin at 'yong pakainin
Yakapin mo s'yang mahigpit 'pag s'ya ay galit
Manatili sa kanyang tabi
Hawakan ang kanyang mukha, tignan sa mata
Ipaalalang kakampi ka n'ya
Sana'y gawin ang lahat ng 'di ko nagawa
Sana'y 'wag magpahuli
Bilang lamang ang sandali
'Di man natin gustuhin
Ang oras ay 'di sa 'tin
Yakapin mo s'yang mahigpit sa bawat sandali
Na parang 'yon na ang huli
Sabihin ang nadarama na mahal mo rin s'ya
Huwag nang hintaying mawala
Lagi mo s'yang pakinggan at lagi mong kakantahan
Sana'y gawin ang lahat ng 'di ko nagawa



Writer(s): Marvin Jason D. Hernandez, Moira Rachelle B Dela Torre


Moira Dela Torre - Pabilin/Pagitan - Single
Album Pabilin/Pagitan - Single
date de sortie
29-10-2021




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.