Noel Cabangon - Baka Bukas paroles de chanson

paroles de chanson Baka Bukas - Noel Cabangon



Tatlong oras na naman sa daan
Pati paboritong kandidato ni manong driver
Ay napag-usapan nyo pa nga
Ngunit sa isang bagay nagkatugma
Kung iisipin mo ngayon
Imposibleng malutas
Pero malay mo naman, baka bukas
Paalis na raw si gob pa Canada
Nangangailangan daw ng Nurses
At soon magbabakasakali
Mas may salapi, dito ay di madali
Hangga't hindi naitatama ang mali
Kung iisipin mo ngayon
Imposibleng malutas
Pero malay mo naman
Baka bukas
Makalawa
Bukas
Makawala
Sa gapos ng sistemang tila ba tanikala
Sana bukas
Makalawa
Bukas
Makawala
Sa tunay na pagkakabilanggo
Balang araw magwawakas
Imposible sa ngayon
Baka bukas
Ang dating sampu naging lima
Reseta'y di na nasunod dahil
Pinang matrikula ng anak
Na di makapag-isip
Sa classroom niyang sobrang sikip
Naghihiraman ng librong punit-punit
Kung iisipin mo ngayon
Imposibleng malutas
Pero malay mo naman
Baka bukas
Makalawa
Bukas
Makawala
Sa gapos ng sistemang tila ba tanikala
Sana bukas
Makalawa
Bukas
Makawala
Sa tunay na pagkakabilanggo
Balang araw magwawakas
Imposible sa ngayon
Baka bukas
Limang oras ka nang nasa daan hanggang ngayon hindi pa umuusad
Ang iyong sinasakyan
Ikaw'y pagod na
Ngunit pa sasaan ba
Hindi naman ito walang hanggan
Kung sisimulan mo na ngayon
Baka sakaling malutas
Baka malay mo naman
Malay mo magbago ang bukas



Writer(s): Davey Langit, Lara Maigue, Marlon Barnuevo, Thyro Alfaro, Yumi Lacsamana


Noel Cabangon - Baka Bukas - Single
Album Baka Bukas - Single
date de sortie
27-03-2020




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.