Noel Cabangon - Jeepney Driver Blues paroles de chanson

paroles de chanson Jeepney Driver Blues - Noel Cabangon



Magtatakipsilim, tapos na naman ang isang araw
Makauwi na't kailangan nang magpahinga
Makalagok man lang ng isang bote ng serbesa
Sa maghapon, ang buhay ay pamamasada
Tinitiis, usok at init ng makina
At 'pag kulang pa ang kita, kailangan pang umarangkada
Ganyan ang buhay ng jeepney driver
Sa buong araw na pasada, jingle lang ang pahinga
'Yan ang buhay ng jeepney driver
Sa buong araw na kayod, mga tuhod ay nanlalambot
'Yan ang buhay ng jeepney driver
"Pag may konti nang kita, pwede nang pumarada
"Para, mama" para mamadali
Sa babaan lang, ale, baka tayo ay mahuli
'Pag minalas nga naman, ang kita ay mababawasan
Pabalik-balik sa kalsadang masikip
Nakakainip, kay haba-haba-haba ng trapik,
Paulit-ulit, mga pasaherong makukulit
Ganyan ang buhay ng jeepney driver
Sa buong araw na pasada, katawan ay nanlalata
'Yan ang buhay ng jeepney driver
Sa buong araw na kayod, kalamnan ay nangangatog
'Yan ang buhay ng jeepney driver
'Pag may konti nang kita, pwede nang pumarada
Ganyan ang buhay ng jeepney driver
Sa buong araw na pasada, jingle lang ang pahinga
'Yan ang buhay ng jeepney driver
Sa buong araw na kayod, mga tuhod ay nanlalambot
'Yan ang buhay ng jeepney driver
Sa buong araw na pasada, katawan ay nanlalata
'Yan ang buhay ng jeepney driver
Sa buong araw na kayod, kalamnan ay nangangatog
'Yan ang buhay ng jeepney driver
'Pag may konti nang kita, pwede nang pumarada
Magtatakipsilim, tapos na naman ang isang araw
Makauwi na't kailangan nang magpahinga
At bukas ng umaga ay muling papasada



Writer(s): Noel Cabangon


Noel Cabangon - Pasakalye
Album Pasakalye
date de sortie
21-08-2015




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.