Original Cast Recording - Mga Muebles paroles de chanson

paroles de chanson Mga Muebles - Original Cast Recording



Ang idolo ng ating kabataan, Manolo
Higit pa sa idolo ang Papa!
Ang ating Diyos Ama!
Ang mundo at langit
Buwan at araw at mga bituin!
Ang buong uniberso!
Ang sarap magkaro′n ng amang isang henyo!
Ang lupit, sabihin mo!
Masakit ding talikuran ang idolo ng nakaraan!
Tingnan mo si Don Eneas karga-karga ang sariling ama!
'Yon ba ang ibig ipahiwatig ng Papa?
Na iniwanan natin siyang nagkakarga sa sarili niya?
Magtigil ka! ′Di natin siya pinababayaan!
Nandiyan sina Paula at Candida
Namalengkeng pihado ang dalawa
Lalo lang nagiging loka-loka!
Kailangang kausapin natin
Nangako kang magmamatigas na
Nasa'n si Don Perico?
Nasa kuwarto pa ng Papa
Nagdadaldalan pa ang dalawa
Pakikinggan siya nina Candida
Dahil senador siya?
Dahil poeta
'No′ng araw pa, ano ka ba?
At dahil ninong nila, kailanganag makumbinse silang umalis na
Sa bahay na ito
May buyer na nga ako
Sinabi ko sa′yo, ako ang may buyer na
Huwag kang makialam. Ako ang panganay n'yo
Wala akong kumpiyansang may ulo para sa negosyo′ng
Mga lalaki ng pamilya
Pa'no′ng mga muwebles?
Sa 'kin na ang aranya, ang mesang marmol sa estudyo
Sa ′yo ang muwebles sa sala, puwera lang ang piyano
Sa 'kin din ang nasa komedor
Paghatian natin ang mga kubyertos at plato
Bakit pa? Kamkamin mo na ang lahat!
Di salamat!
Sa 'yo na pati ang suwelo, sa ′yo na ang hagdanan,
Sa ′yo'ng mga dingding!
Pati bubong sa ′yong sa 'yo!
Pag-aawayan ba natin ang ilang mesa at silya?
Ipagpaumanhin mo... Binigay mo na sa ′kin ang mga silya
Kailangan pa bang makipag-away sa 'yo para yon ay makuha ko?
Alam mong ikakasal sa isang taon ang anak kong si Milla
Kailangan niya ng muwebles
Ikakasal ang aking si Roddie sa taong ito mismo
At magkakamuwebles siya!
Sa akin ang nasa sala,
Ang nasa komedor, ang nasa tatlong silid-tulugan
Pati mga libro at aparador sa estudyo, ang malaking salamin sa ibaba,
Ang kama matrimonyal!
Kay Mila ko ang kama!
Subukan mong maglabas dito ng kahit na ano nang wala akong permiso!
At bakit ko kakailanganin ang permiso mo?
Sino ba′ng bayad ng bayad para sa bahay na ito
Sa loob ng nagdaang sampung taon?
Huwag mong sabihing hindi ako pumaparte sa mga pagbabayad
Kung maalala mo
Paminsan-minsan nakakalimutan ko
Anong paminsan-minsan?
Kailangan kitang tawagan nang tawagan buwan-buwan
Pag oras na ng bayaran
Kung binayaan kitang mag-isa, matagal nang namatay sa gutom ang Papa
Hiyang-hiya na ako sa aking asawa
Tuwing itatanong niya kung bakit hindi ikaw ang
Nag-aasikaso sa mga kapatid at ama!
Palagi wala kang pera para sa kanila
Pero ang dami mong pera para ipangkarera at para sa 'yong mga kerida
Aba, sabihin mo sa magaling mong asawa—
Tama na! Nandiyan na sila!
Tama na nga tayo!
Ayan ka nanaman, Manolo!
Pero kung gusto nilang dumito nalang sila...
Hindi na nati kaya ang magbigay ng sustento
Talaga bang hindi na?
Ke kaya natin o hindi, hindi 'yon ang pinag-uusapan
Naiimbiyerna na ako sa lumang bahay na ito!
Ako rin, aaminin ko
Titira si Candida sa′yo
Titira sa ′kin si Paula
Paano ang Papa?
Sa 'yo kung gusto mo
Sa ′yo kung gusto niya
Basta't sa ′yo si Candida, sa 'kin si Paula
Para magkaalila kang mag-aasikaso sa bahay mo
Habang nagma-madyong ka kasama ng mga amiga!
At nang may maaasahan ang asawa mong magbantay sa bahay n′yo
Habang nagsososyal siya sa mga klub at komiteng kung anu-ano!
Kawawang Candida! Kawawang Paula!
Ang tagal naman nating sinustentuhan sila!
Kawawang Candida! Kawawang Paula!



Writer(s): Rolando Tinio, Ryan Cayabyab


Original Cast Recording - Ang Larawan (The Complete Soundtrack)
Album Ang Larawan (The Complete Soundtrack)
date de sortie
09-03-2018




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.