Regine Velasquez - Lipad Ng Pangarap (From "Pira-Pirasong Paraiso") paroles de chanson

paroles de chanson Lipad Ng Pangarap (From "Pira-Pirasong Paraiso") - Regine Velasquez



Taglay mo sa bagwis ng 'yong paghayo
Ang pangako ng walang-hanggang bukas
Pabaon man sa iyo'y hapdi ng puso
Aabutin ang pangarap
At ang bunga ng wagas mong pagsisikap
Katuparan ng 'yong pangarap
Kapalit ng dalamhati't paghihirap
Pag-angat ng kabuhayang marilag
Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Pangarap mo na kay tagal mo nang mithi, ah-whoa
Tutularan ka ng sunod na salinglahi
Kapuri-puring pag-aalay ng lakas
Pagpupugay sa 'yo'y mananatili
Tanggapin mo ang pagpapasalamat
Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Pangarap mo na kay tagal (pangarap mo na kay tagal) minimithi
Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit
Kamtin mo sa dulo ng lahat ng 'yong pagpapagal
Ang tamis na dulot ng 'yong tagumpay
Ang tamis na dulot ng 'yong tagumpay



Writer(s): Arnel De Pano Nathanael


Regine Velasquez - Lipad Ng Pangarap (From "Pira-Pirasong Paraiso") - Single




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.