Ron Henley feat. Kat Agarrado - Hagdan paroles de chanson

paroles de chanson Hagdan - Ron Henley feat. Kat Agarrado



Araw-araw ay kabaliktaran ang swerte
Mukha lang inosente pero pwede mag-rebelde
Ginagawa kong kapre ang bawat mga duwende
Kung minsan ang kulay pula'y ginagawa kong berde
Nakasagutan ko si nanay, si utol nakaaway
Hindi na ko umuuwi ng bahay
Nagpunta sa kapitbahay, naki-tulog, naki-tambay
Naki-uso, naki-bagay, naki-usok, naki-tagay
Pinakain ko ng damo ang pulang kabayo
Paulit-ulit lang umaasang may magbabago
Binusog ko lang lalo ang ari kong pagkatao
'Pag nagtalo 'yung dalawang aso, 'yung mabuti 'yung talo
Napalayo sa riyalidad
Naglalakad ako ngunit akala ko ako'y lumilipad
Naging tamang hinala, panay maling akala
Hinahabol ko ang tama at mukhang mali na ata
Gusto kong maglayag
Gusto kong mga pangarap ko, mangyari agad
Gusto kong lumangoy, gusto kong lumipad
Pakiramdam ko, kaya kong gawin ang lahat
Teka, 'wag kang magmadali
Dahan-dahan lang (dahan-dahan lang)
Tayo ay para lang humahakbang paakyat ng hagdan
Ang kalaban ko ay nasa likod, nakangiti
May inaalok siya sa 'kin, 'di ako makahindi
Hindi sila nakaitim, bagkos nakaputi
Nu'ng ako'y nakatikim, hindi na 'ko umuwi
Sa aking tunay na buhay, humaba lang ang sungay
Ang patunay, tunay ang lakad ko ay pasuray-suray
Ako ay uminom ng lason kahapon
Umaasang 'yung taong 'yon ang nasa kabaong
At ako ay nilamon ng buhawi
Inanod ng ugali kong 'sing baho ng pusali
Sa sobrang bangis, nagawa nila akong itali
Ang buhay ay tungkol sa kung papa'no ka bumangon at bumawi
Sa aking pagbalik, sa liwanag ay nasilaw
Nasanay sa silid na laging patay ang ilaw
At kahit na nasasabon, 'wag na 'wag kang tatalon
Sa bawat bagyo, tandaan, laging may pag-asa, Ron
Gusto kong maglayag
Gusto kong mga pangarap ko, mangyari agad
Gusto kong lumangoy, gusto kong lumipad
Pakiramdam ko, kaya kong gawin ang lahat
Teka, 'wag kang magmadali
Dahan-dahan lang (dahan-dahan lang)
Tayo ay para lang humahakbang paakyat ng hagdan
May araw na malas, may araw ring swerte
Tanggap ko nang pula'y hindi pwedeng maging berde
Hindi madali pero posible
Kung ang lahat ng bagay ay gagawin kong simple
May mga taong inilagay para ako'y itumba
Isang kalabit na lang at ako'y puputok na
Gan'to ata talaga kapag ang puno ay mabunga
Binabato-bato nang may mahulog at makuha
Sa aking kahinaan ay naging malakas
Lalo akong tumingin paloob, imbis palabas
Isinapuso ko, 'di ako masyadong nag-isip
Ng kung ano-ano, lalo ko lang niyakap ang inip
At ako ay nagpasakop sa programa
Sa tulong ng aking mga bagong kasama
Ako ay nakabangon sa kama
Muli kong nasilayan ang isang bagong umaga
Gusto kong maglayag
Gusto kong mga pangarap ko, mangyari agad
Gusto kong lumangoy, gusto kong lumipad
Pakiramdam ko, kaya kong gawin ang lahat
Teka, 'wag kang magmadali
Dahan-dahan lang (dahan-dahan lang)
Tayo ay para lang humahakbang paakyat ng hagdan
Gusto kong maglayag
Gusto kong mga pangarap ko, mangyari agad
Gusto kong lumangoy, gusto kong lumipad
Pakiramdam ko, kaya kong gawin ang lahat
Teka, 'wag kang magmadali
Dahan-dahan lang (dahan-dahan lang)
Tayo ay para lang humahakbang paakyat ng hagdan



Writer(s): Lester Paul M. Vano, Ron Joseph A. Henley


Ron Henley feat. Kat Agarrado - Hagdan
Album Hagdan
date de sortie
01-01-2012

1 Hagdan



Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.