Rubberband - Motel '98 paroles de chanson

paroles de chanson Motel '98 - Rubberband



Humahalimuyak ang iyong bango
Mula paa hanggang ulo
Nalilito kapag kinikindatan mo
Ang tulog kong tigang na puso
Malilimutan ko ba? Ang isang gabing
Tayong dalawa ang magkasiping
Nawawala ang aking pagkalasing
Nung humiga ka sa kama, tanaw ang kisameng salamin
Sa higpit ng iyong mga yakap
Nawawala ako sa aking ulirat
At nang magising sa isang kurap
Lumulutang na naman sa alapaap!
Malilimutan ko ba? Ang isang gabing
Tayong dalawa ang magkasiping
Nawawala ang aking pagkalasing
Nung humiga sa kama, tanaw ang kisameng salamin
Huwag mo akong gigisingin
Baka ako ay bangungutin
Ayoko ng may sisisihin
Gusto ko ang kisameng salamin
Malilimutan ko ba? Ang isang gabing
Tayong dalawa ang magkasiping
Nawawala ang aking pagkalasing
Nung humiga ka sa kama, tanaw ang kisameng salamin



Writer(s): Gino Inocentes


Rubberband - Motel '98
Album Motel '98
date de sortie
22-03-2019




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.