Rubberband - Obsolete paroles de chanson

paroles de chanson Obsolete - Rubberband



Ayoko nang bumagal ang lahat
Hanapin ang Pagasa at Harapin ang Bukas
Bumaha man sa mabini ay wala na akong pakialam
Basta't ang paraiso ko sa burol ay tanaw ang buwan
Babalikan pa ba kita?
Kahit lampas ng langit ang aking niluha
'Sanlibong pangungulila
Sa yakap mong walang init hanggang umaga
Isang kalabit huwag ka na sanang manlulumo
Pusong naliligaw ay unti-unting nakikita ang daan
Pinilit mo man pero meron pa ring saysay
Ayos na ayos lang na tawagin ka nilang bantay-salakay
Babalikan pa ba kita?
Parang isusubo, parang iluluwa
'Sanlibong pangungulila
Sa yakap mong walang init hanggang umaga
Makikita mo ring tapat ang kalungkutan
Dahil kung hindi, bakit ka tinatablan?
Hanggang ngayon abot hanggang Sta. Ana
'Singhaba ng linya ng ALTODA
Naiinip at sumasakit ang ulo
Buti na lang langhap ko ang usok ni Gudo
Tumakbong pataas sa Modesta Mateo
Akala mo kase doon ang sakayan ng Hulo
Hahalikan pa ba kita?
Kahit ngayon hindi ka na nahihiya
Luwalhati ng 'yong ganda
Sa isip ko'y tagos pa rin sagad hanggang kaluluwa
Bakit ang galit ay iyong Pinatubo?
Na-salvage mo akong laging nag-iisa
Doon ka pa rin ba sa pinakadulo
Doon sa bilihan dati ng mga gagamba
Babalikan pa ba kita?
Parang isusubo, parang iluluwa
'Sanlibong pangungulila
Obsolete ang aking alaala
Babalikan pa ba kita?
Parang isusubo, parang iluluwa
'Sanlibong pangungulila
Obsolete ang aking alaala




Rubberband - Nanibago Ka Nung Magkapera
Album Nanibago Ka Nung Magkapera
date de sortie
11-11-2011




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.