The CompanY - Ilang Tulog Pa Ba? (Pasko Na!) paroles de chanson

paroles de chanson Ilang Tulog Pa Ba? (Pasko Na!) - The Company



Kanta nang kanta
Ensayo nang ensayo
Awiting pamasko'y 'di pa rin kabisado
Sige lang nang sige, kahit wala sa tiyempo
Malapit na kaming magkaroling sa inyo (pa-ra-pam-pam-pa-ram-pam-pam)
Bilang nang bilang ng inipong pera
Kabado man sa gastos ngunit tayo'y maligaya
Bili pa nang bili ng kung ano-ano
Alin nga bang regalo'ng ibibigay sa'yo?
Ilang tulog pa ba?
Malapit na, malapit na
Ilang tulog pa ba ang paskong masaya?
Ilang tulog pa ba? Darating na
Usok ng putobumbong nalalanghap ko na
Ilang tulog pa ba? Heto na, heto na
Ilang tulog pa ba ang paskong masaya?
'Di na hihiling ng kung ano-ano
Mahalin mo lang ako
Ayos na ang pasko
Hamon at keso'y malapit nang ihain
Kay tagal nang binili, hulugan pa man din (aray)
'Di bale nang medyo gipit basta't tayo'y maligaya
Ang masayang pasko'y hinihintay ko na (pom, ping)
Kalembang nang kalembang ang kampanang kay lakas
Batian nang batian ng (merry christmas)
Lahat ng masalubong ay may ngiti sa labi
Kahit nagtatampuhan ay nagkakabati
Ilang tulog pa ba?
Malapit na, malapit na
Ilang tulog pa ba ang paskong masaya?
Ilang tulog pa ba? Darating na
Usok ng putobumbong nalalanghap ko na
Ilang tulog pa ba? Heto na, heto na
Ilang tulog pa ba ang paskong masaya?
'Di na hihiling ng kung ano-ano
Mahalin mo lang ako, ayos na ang pasko
Huwag mong bibilangin ang tulog sa tanghali
Sasapit ang paskong pagkadali-dali
Magigising tayo sa tuwa't ligaya (ah, ah, ah, ah)
Ilang tulog pa ba?
Pasko na (pasko na)
Pasko na (pasko na)
Ilang tulog pa ba?
Malapit na, malapit na
Ilang tulog pa ba ang paskong masaya?
Ilang tulog pa ba? Darating na
Usok ng putobumbong nalalanghap ko na
Ilang tulog pa ba? Heto na, heto na
Ilang tulog pa ba ang paskong masaya?
'Di na hihiling ng kung ano-ano
Mahalin mo lang ako
Ayos na ang pasko
'Di na hihiling ng kung ano-ano
Mahalin mo lang ako
Ayos na ang pasko
Ilang tulog pa ba?
Ilang tulog pa ba?
Ilang tulog pa ba?
Ilang tulog pa ba?
Ilang tulog pa ba?
Ilang tulog pa ba?
Pasko na



Writer(s): Moy Ortiz, Edith M. Gallardo


The CompanY - Christmas Company
Album Christmas Company
date de sortie
19-11-1993




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.