Awie - Nicotine текст песни

Текст песни Nicotine - Awie



Ilang taon, ilang buwan, ilang araw kasama ka
Hindi mo ako tinalikuran noong makilala ka
Tinuring kitang kaibigan sa ingay at katahimikan
Kapag meron ako at sa panahong kagipitan
Ikaw lang ang aking tanging malalapitan
Makita ka lang ng iba ika'y pandidirihan
Pero sakin bakit palagi mo kong naaakit
Masama ka raw pero naramdaman ko ang 'yong malasakit
Nandito ka nung ako ay 'di sigurado, problemado, tensyonado
Kasama manalo o matalo
Iiwan mo din naman ako sa huli
Kahit mahirap para sakin 'di mag aatubili
Natapakan ang upos mabubuhay ko matubos
Di ko susubukan kahit na maraming pambili
Kahit ano ang sinubukan ko itim, puti, pula
Sinindihan ko ang lahat ang problema ibinuga
Sapul ang aking baga sa balak mong maitim
Nahumaling na ako agad saking unang tikim
Pano ba naman kahit saan man kita bitbitin
Malawak ang mundo kahit saan kita hihithitin
Kasama ka palagi pagkatapos kong kumain
Nawawala ka ba, madalas kasi kitang hanapin
Balang araw ang buhay ko'y kayang kaya mong nakawin
Ang katumbas mong isang araw kapalit kung bibilangin
Walang makakatulong sakin kundi sarili ko
Tinulungan ko lang wasakin
Hinubog na ko ng usok na namuo sa hangin
Mailayo sayo yan ang tangi kong panalangin



Авторы: Mark Eco


Awie - 155
Альбом 155
дата релиза
05-08-2016




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.