Curse One feat. Slick One - Walang Kapalit текст песни

Текст песни Walang Kapalit - Curse One feat. Slick One



Sana ay may kakayanan ako na pagalingin ang lahat ng sugat mo
Na natamo sa mga nakalipas na araw mo
Alam ko ang mga hirap mo na hindi mo lang sinasabi (sinasabi)
Kahit na pilit mong tinatago (tinatago)
Ang mga kumikirot sa puso mo (sa puso mo)
Nandito naman ako lagi sa tabi mo sinta imposible ma'y aabutin ko
Para lang mapadama ko sa iyo na dito sa piling ko
Tanging hiling ko lang ay maging kalmado na ang isipan mo
Laban sa mapaglarong mundo pwede bang palipasin mo
Na ang lungkot na laging nagpapaluha sa ulap ng damdamin ko
Dalangin ko sana'y lagi kang masaya (masaya) sa piling ko sinta...
Sana ay kaya ko (kaya kong) ibigay ang buong mundo sayo
At nang malaman mo kung ga'no ka kahalaga sa puso ko
Sa buhay ko sana'y hindi kana mawala pa sakin
Kasi nakakandado na ang puso ko sa pag-ibig mo Walang Kapalit...
Ramdam ko ang pait at taimtim
(At taimtim) mong tinitiis lahat ng 'yong problema
Dahil sa mga nangyaring mga kaganapan na pangit ang eksena
Nandito lang ako laging sandalan mo hindi mo man aminin ang gitara
Nang pusong may lungkot bawat tipa musika'y balisa damang dama
Parati man walang kibo hindi ibig sabihin non
Lahat ay baliwala lang sakin lagi akong nasa paligid subukan mong lumingon
At kahit kailanganin mo lang ako kapag kailangan mo ako
Ang mapangiti ka at mapasaya ka yan ang kailangan kong gawin,
Araw at buwan iaalay sayo
Handa kong gawin ang lahat mapanatag kalang ay sapat na
Makita ko lang ang ngiti sa labi mo...
Sana ay kaya ko (kaya kong) ibigay ang buong mundo sayo
At nang malaman mo kung ga'no ka kahalaga sa puso ko
Sa buhay ko sana'y hindi kana mawala pa sakin
Kasi nakakandado na ang puso ko sa pag-ibig mo Walang Kapalit...
Hindi ko man maipapangako ang lahat ng yaman sa mundo
Ang tanging pangarap ko lamang ay kahit na simpleng ikaw at ako
Ikaw at ako at wala ng iba magkasama tayo sa lungkot at saya
Pag ikaw ay kayakap na (kayakap na) tila ba nililipadpad
Sayo na napadpad ang aking damdamin
Mahal na mahal kita (kapiling kay langit) ang syang nadarama
Nang dahil sayo ang mundo ko'y nagbabago
Makita ko lang na may ngiti sa labi mo O ang saya
Minamahal kita ang syang nadarama
Ang mundo ko'y nagbabago ikaw ay Walang Kapalit...
Sana ay kaya ko (kaya kong) ibigay ang buong mundo sayo
At nang malaman mo kung ga'no ka kahalaga sa puso ko
Sa buhay ko sana'y hindi kana mawala pa sakin
Kasi nakakandado na ang puso ko sa pag-ibig mo Walang Kapalit... 2x



Авторы: Christian Valenzuela, Rhovie Sanmiguel Cinco


Curse One feat. Slick One - The Singles
Альбом The Singles
дата релиза
25-08-2017



Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.