Davey Langit - Oryang текст песни

Текст песни Oryang - Davey Langit



Hindi tayo nagkasabay sa daan
Upang sa dulo ay maghiwalay
Hindi nagpalitan nang kuwento't sa dulo
Sa katahimikan lang huhumpay
Hindi kailanman mauubusan ng salita
Upang gawin kong kanta at tula
O maging ang bulong at buntong hininga
Nagsasabing ikaw lang, sinta
Ang tanging tinatangi, iibigin hanggang huli
At ang aking lagi-lagi ng dalanging naririnig sa itaas
Hindi ko man hawak ang bukas
Pangako ko hanggang wakas
Mahal ko, ikaw ang tahanan ng puso ko
Hindi ka niyakap nang pagkahigpit
Upang sumagi sa iyong isipan
Nasa pagkalas ng mga braso ko
Sa 'yo ay maramdaman mong ika'y mag-isa
Loobin man ng dakilang Lumikha
Na pansamantala tayong magkawalay
Tandaan mo
Ang puso ko'y sa 'yo
At sa tuwina'y ikaw
Ang tanging tinatangi, iibigin hanggang huli
At ang aking lagi-lagi ng dalanging naririnig sa itaas
Hindi ko man hawak ang bukas
Pangako ko hanggang wakas
Mahal ko, ikaw ang tahanan ng puso ko
Hindi ako bumati sa panimula
Upang sa huli'y magpaalam lang
Mahal ko, ikaw ang tahanan ng puso ko



Авторы: Davey Ryan Edward Langit


Davey Langit - Oryang - Single
Альбом Oryang - Single
дата релиза
29-11-2019

1 Oryang




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.