FrancisM - Tayo'y Mga Pinoy текст песни

Текст песни Tayo'y Mga Pinoy - FrancisM



Tayo'y mga Pinoy, tayo'y hindi Kano
'Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango
Tayo'y mga Pinoy, kung ang ilong mo ay pango
Tayo'y mga Pinoy, tayo'y hindi Kano
'Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango
Dito sa Silangan ako ay isinilang
Kung saan nagmumula ang sikat ng araw
Ako ay may sariling kulay na kayumanggi
Ngunit 'di ko maipakita tunay na sarili
Kung ating hahanapin ay matatagpuan
Tayo'y may kakanyahang dapat na hangaan
Subalit nasaan ang sikat ng araw
Ba't tayo ang humahanga doon sa Kanluran?
Sabi ni Hepe, 'wag tayong manggaya
Huwag kang manggagaya kung hidi mo rin kaya
Mangopya ka man, siguraduhin mong
Mas mahusay sa kinopyahan at matinong-matino
Kahit ilong mo ay baliko
Kahit na pangit, sarat, at pango
Basta't pantay-pantay, walang kulay
Walang away, awitin nating sabay-sabay
Tayo'y mga Pinoy, tayo'y hindi Kano
'Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango
Ako'y Pinoy sa isip at puso't damdamin
At may paniwala sa sariling atin
Gawaing Pinoy maipagmamalaki
Isigaw sa mundo at ipagsabi
Na dito sa silangan ako ay isinilang
Kung saan nagmumula ang sikat ng araw
Ako ay may sariling kulay na kayumanggi
Ngunit 'di ko maipakita tunay na sarili
Sabi ni Hepe, 'wag tayong manggaya
Huwag kang manggagaya kung hidi mo rin kaya
Mangopya ka ma'y siguraduhin mong
Mas mahusay sa kinopyahan at matinong-matino
Kahit ilong mo'y baliko
Kahit na pangit, sarat, at pango
Basta't pantay-pantay, walang kulay
Walang away, awitin nating sabay-sabay
Tayo'y mga Pinoy, tayo'y hindi Kano
'Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango
Mayro'ng isang aso, daig pa ang ulol
S'ya'y humihiyaw, hindi tumatahol
Katulad ng iba, paingles-ingles pa
At kung pakikinggan, mali-mali naman, 'wag na lang
Tayo'y hindi Kano
'Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango
Tayo'y hindi Kano
'Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango
Tayo'y hindi Kano
'Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango
Tayo'y hindi Kano
'Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango
Ika'y Pinoy



Авторы: Bartolome Heber G


FrancisM - Francis M - OPM Timeless Collection (Gold Series 2)




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.