Текст песни




Malimit mong tinatanong sa akin
Ang tunay na sanhi at solusyon
Ng buhay na pinahihirap natin
Bakit nagkaganito, bakit nagkakaganun
Ulit lang ng ulit lang ng ulit habangpanahon
Huwag kang tumingala sa alapaap
Ang ulap ay hindi panginoon
Huwag mong sisirin ang lalim ng dagat
Ang tubig na maalat ay di tagaroon
Daluy lang ng daluy lang ng daloy habangpanahon
Sa balon, sa balon, sa balon ay naroon
Naroon, naroon, naroon lang ang tugon
Ang tugon, ang tugon, ang tugon sa iyong tanong
Ay naroon, naroon sa balon
May bago nga ba sa mundong ibabaw
Kung ang nandoon ay dati nang nandoon
Sisikat din at lulubog ang araw
At di mo maipangaw ang duyan ng taon
Inog lang ng inog lang ng inog habangpanahon
Ang ating karununga'y nakatali
Sa hangin at buhanging ilusyon
At ang dinami-daming mga lahi
Sistema at ugali, kultura't tradisyon
Salin lang ng salin lang ng salin habangpanahon
Sa balon, sa balon...
Malimit mong tinatanong sa akin
Ang tunay na sanhi at solusyon
Ang tao ay mahirap unawain
Sinasagot nila ang di mo tinatanong
Ikut lang ng ikut lang ng ikot habangpanahon
Sino ba ang dapat na sisihin
Sino ba ang nasa posisyon
Patulan mo ang ibig kong sabihin
Kung may ibig sabihin, ito'y isang pasyon
Ulit lang ng ulit lang ng ulit habangpanahon



Авторы: Gary Granada


Gary Granada - The Essential Gary Granada Collection
Альбом The Essential Gary Granada Collection
дата релиза
27-01-2011

1   Ang Aking Kubo
2   Dagat
3   Buti Na Lang
4   Hanggang Kailan, Hanggang Saan
5   Babadap-Badap
6   Pag Nananalo Ang Ginebra
7   Ibig Sabihin
8   Saan Ka Man Naroroon
9   Earthkeeper
10   Lakbayin Ang Pilipinas
11   Iisa
12   Pag-Ibig Lang
13   Isang Araw
14   Kahit Konti
15   San Simon
16   Lalawigan
17   Salamat Musika
18   Basurero Ng Luneta
19   Maykapal
20   Tagumpay Nating Lahat
21   Isa
22   Lahat
23   Kapag Sinabi Ko Sa Iyo
24   Kasama
25   Kung Ayaw Mo Na Sa Akin
26   Asin
27   Kung Ika'y Wala
28   Mana-Mana Lang Yan
29   A Pair of Voices
30   Alay Mo, Buhay Ko
31   Dakilang Maylikha
32   Hangganan
33   Natutunan Sa Buhay
34   Paano Mahalin Ang Katulad Mo
35   Panata't Pag-Ibig
36   Saranggola Sa Ulan
37   Tulad Ng Dati
38   Usahay
39   Mabuti Pa Sila
40   Ultimo Adiós
41   Bahay
42   Dam
43   Kanluran
44   Eroplanong Papel
45   Madaling-Araw Na
46   Ang Butil Ng Pag-Ibig
47   Balon
48   Address
49   Pablong Propitaryo
50   Up Naming Mahal (Lean Musical)
51   Makibaka, Humag Matakot
52   Puhunan
53   Ngayong Gabi
54   O Kaysarap
55   Sana'y Di Ka Masanay
56   Sinisintang Bayan
57   Uunahin Ko Kayo
58   Made For Japan
59   Holdap
60   Itatawid, Ihahatid Kita



Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.
Загрузка
Загрузка