Gary Valenciano - Lipad Ng Pangarap текст песни

Текст песни Lipad Ng Pangarap - Gary Valenciano



Taglay mo sa bagwis ng iyong paghayo
Ang pangako ng walang hanggang bukas
Pabaon man sayo'y hapdi ng puso
Aabutin ang pangarap
At ang bunga ng wagas mong pagsisikap
Pag-unlad nitong bayang nililiyag
Kapalit ng dalamhati't paghihirap
Pag angat ng kabuhayang marilag
Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Pangarap ng inang bayang tinatangi
Tutularan ka ng sunod na salin-lahi
Kapuri-puring pag-aalay ng lakas
Napupugay sa makabagong bayani
Ang buong bansa'y nagpapasalamat
Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Pangarap ng inang bayang tinatangi
Ingatan mo ang lipad ng pangarap
Umaasa sa iyo ang bayan mong naghihintay
Na kamtin mo sa dulo ng lahat ng iyong pagpapagal
Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay
Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay
Iyong tagumpay



Авторы: N. Arnel Depano


Gary Valenciano - Pure Heart
Альбом Pure Heart
дата релиза
20-12-2005




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.