Gloc 9 feat. Jillian Ita-as - Pag Nagising Ako текст песни

Текст песни Pag Nagising Ako - Gloc 9 feat. Jillian Ita-as



Ako'y nananginip kagabi
Sana ay maulit pang muli
Tanda ko lahat 'di mamamali
Kung gusto mong malaman 'to
Ikukwento ko sayo
Paggising ko
Wala na daw mahirap lahat tayo mayaman
At sa kapangyarihan ay wala na daw gahaman
Kung may nagsusumukap
Nagagantimpalaan
Kapag mata'y dumilat
Laging may kagandahang
Matatanaw
Wala nang uhaw
Nakukuntento
Kasi pare-pareho lamang tayo ng porsyento
Pantay-pantay ang hatian kasi nakasentro
Puro salamat at walang inggit na kinukwento
Gumagaling lahat ng sakit walang malubha
Tuyuin pag ipinikit matang paluha
Walang mga palad ang sa langit ay nakakura
Ano nga bang ibig sabihin ng salitang dukha
Puro tawa lang ang madidinig mo sa mga bata
May kasiyahan, kasaganahan, walang kawawa
Ang lahat ng galit ay napapalitan ng awa
Pagmamahal na bayad ang laging sukli sa kapwa
Ako'y nanaginip kagabi
Sana ay maulit pang muli
Tanda ko lahat 'di mamamali
Kung gusto mong malaman 'to
Ikukwento ko sayo
Ikukwento ko sa sayo
Paggising ko
Wala nang mura kasi lahat ay nagmamahal
Para sa mabuti lang ang pinagdarasal
Hindi naiisip kung meron mang nagtatagal
Sa buhay 'di mo na kailangann pa na sumugal
O hanapin ang kapalaran mo sa malayo
Kasaganahay makita mo hindi nakatago
Kinabukasan ay malinaw hindi malabo
Mahal sa buhay na abot-kamay
Maipangakong
Masamahang lumaki ang iyong mga anak
Alalayan sila sa kanilang bawat yapak
Makilala ka sa isipan nila'y tumatak
Ang maihele sila sa tuwing umiiyak
'Di kailangan mahati pa sa tama o mali
'Di na rin ugat
Ng kasamaan ang salapi
Walang digmaan ang lahat ay magkakabati
Pinapahalagahan lagi ang bawat sandali
Dahil alam mo na ang bukas ay nakapako
Hawakan ng mabuti kapag sayo dumapo
Lakasan mo ang loob panabla pati pato
Lumakad man sa baga ay hindi ka mapapaso
Sana lahat ng pangit ay kabaligtaran
At ang kasamaan ay may katapusan
Hilumin mong nagdurugo na sugat ko
Nang mailmulat at mabuksan ko ang aking mga mata
Ako'y nanaginip kagabi
Sana ay maulit pang muli
Tanda ko lahat 'di mamamali
Kung gusto mong malaman 'to
Ikulwento ko sayo
Ikukwento ko sayo
Paggising ko




Gloc 9 feat. Jillian Ita-as - Pag Nagising Ako (feat. Jillian Ita-as) - Single
Альбом Pag Nagising Ako (feat. Jillian Ita-as) - Single
дата релиза
26-11-2021



Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.