Gloc-9 feat. Jay Durias - Hindi Mo Nadinig текст песни

Текст песни Hindi Mo Nadinig - Gloc-9 , Jay Durias



Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan
Para sa 'kin, mga dalangin ko'y pinakinggan
Nagkamali ako sa mga pangako mo
Buong akala ko ikaw ang siyang sa akin ay nakalaan
Minahal na kita nang makita kita
Ang pagtingin ko sa 'yo ay higit sa iba
Kinapalan ang mukha, niligawan kita
Kahit ako ay alangan sa mata ng iba
Gabi-gabi ang laman ng dasal ay ikaw
Kahit na anong mangyari ako'y 'di bumitaw
Sa pangarap na sa tuwing mero'ng gabing maginaw
Ang aking kayakap ay walang iba kundi ikaw
Kaya't ganun na lamang ang aking saya nu'ng ako ay
Nagpaalam ngunit hinawakan mo'ng aking kamay
At sinabi sa 'kin sa hangin parang tinangay
Nang minahal mo ako, pwede na 'kong mamatay
Ako'y nagsikap upang maibigay sa 'yo ang langit
Karangyaan sa buhay at mamahaling gamit
Kahit minsa'y nagtatalo, sa 'yo'y 'di kayang magalit
Bawat hakbang palayo, ako'y patakbong lumalapit
Upang 'di magka-agwat ay nagpasobra ng sapat
Ang lahat kinasabwat, handa 'kong gawin ang lahat
Nang ang pag-ibig natin sa isa't-isa'y hindi lumabo
Parang tubig sa baso kahit na putik ang ihalo
Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan
Para sa 'kin, mga dalangin ko'y pinakinggan
Nagkamali ako sa mga pangako mo
Buong akala ko ikaw ang siyang sa akin ay nakalaan
Lagi kang ginagabi, ang huling kagabi
Madalas na magising wala ka sa 'king tabi
Pero 'di naman siguro, baka guni-guni
Ko lamang 'to, wala lang to, siya'y may pinapabili
Bagong damit, bagong alahas, mahal, basta ikaw
Dagdagan mo pa ng prutas, mangga basta hilaw
Sa mumurahing bagoong malalim na sinasawsaw
Kahit tila malansa ang lasa ay ayos lang daw
Ako ay medyo natuwa, 'di kaya sana naman
Na ang sinapupunan ng aking mahal nagkalaman
Ngunit nag-aalangan, 'di ko mapag-alaman
Huling beses na nagtabi parang ang hirap tandaan
Isang araw ay dinugo, halos lahat ay isumpa mo
'Di ko lubos maisip, 'di ko alam kung pa'no
Unti-unting nagbago, dinuduro mo pa 'ko
Bulungan sa telepono harap-harapan sa mukha ko
Umuwi ng maaga, ingay na tagos sa dingding
Huling-huli sa akto, sa 'kin binaling ang tingin
Hindi na kita mahal, sabay hubad ng 'yong sing-sing
Ako'y binalot ng galit at nagdilim ang paningin
Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan
Para sa 'kin, mga dalangin ko'y pinakinggan
Nagkamali ako sa mga pangako mo
Buong akala ko ikaw ang siyang sa akin ay nakalaan
Ako'y bumunot ng baril, na dinala, kaya pala
Kahit walang dahilan magagamit ko pala
Parang namamagang singaw, buong dugong nakabara
Lahat ay gustong isigaw, ngunit kumalso ang panga
Piniringan ang mata, tinalian ang kamay
Minartilyo sa paa, sige tumakbo kang pilay
Kahit kayo ay mag-ingay, sige todo bigay
'Di na rin naman pwedeng maging testigo si Inday
Inunahan ko na siya bago pa mangyari 'to
Wala kayong kamalay-malay kung ga'no kagrabe 'to
Lahat ng galit at pait ay 'di kayang masabi 'to
Sa idudulot kong sakit na nakakaimbalido
Kasing kulay na ng talong ang mga kutis n'yo ngayon
Mga dumudugong kuko na may pakong nakabaon
Buhok n'yong ginunting ko ay isinilid ko sa bayong
Sisilaban hanggang magbaga na parang bulkang Mayon
Lumamig na ang luhang galing sa 'yo at dumilig
Sa kalaguyo mo na mayroong kutsilyo sa dibdib
Daliri ko'y na sa gatilyo sabay subo sa bibig
Minahal naman kita, bakit hindi mo nadinig?



Авторы: Aristotle C. Pollisco


Gloc-9 feat. Jay Durias - MKNM (Mga Kwento Ng Makata)
Альбом MKNM (Mga Kwento Ng Makata)
дата релиза
01-07-2012



Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.