Gloc-9 - Apatnapung Bara текст песни

Текст песни Apatnapung Bara - Gloc-9



Ikaw na naman, 'di ba kalalabas mo lang?
Kung magsulat ka ng kanta, para bang papasko lang
Tila lupang 'di tigang, sa letra mong bilang
Walang tigil sa pag-agos, pinapadulas mo lang
Hindi naman Super Lolo, pero bakit sumasabog
Ang lahat ng kuha mo, kahit 'di makapal ang apog?
Pinagmanhik-manaog, ibang klaseng Tagalog
Parang altapresyon sa kumakapal na batok
Tapos na ang biruan, walang pala-palabok
'Wag kang gumamit ng baldeng butas sa pagsalok
Magpahagod 'pag napagod, 'pag humagok, magpadagok
Laging handa sa pagsusulit kahit walang pasok
Ang bata na inaral ang a, ba, ka, da
E, ga, ha, i, la, ma, na, nga, o, pa, ra, sa, ta, u, wa, ya
Kung 'di makasabay sa aking makakaya
Bumaba ka sa aking pasada, mama, para
Ibalik ang bayad, sumayad ang speaker sa lakas
Ng tunog, lumubog ang mga mapangahas
Na humahamig, kahit na hangin lang ang kinahig
Nag-uunahan sa pagdampot ng putik at ipahid
Ako ang magaling, palaging sinisigaw
Sa loob ng kaing na may kalburo ang manggang hilaw
O kandilang tunaw, o itak na bingaw
'Pag pinagsama natin ang dalawa, oo, ikaw
Matagal-tagal na rin po akong nagtatampisaw
Sa tubig na kung minsan ay parang kanal sa hangin
Kaya may oras na parang gusto kong bumitaw
Ngunit, salamat sa hindi nagdadala sa akin
Pero aaminin ko, nakakapanghinayang
Lisanin ang trabaho na kailangan mong tibayan
Ang mukha mo, manibago, kabisado na tula 'to
Sa mukha mo, itaya mo, pati pato, ano 'ka mo?
Bawat CDng nabenta mo, wala pang limampiso
Ang babalik sa 'yo, teka, wala kang benepisyo
Pero ayos lang, kasi ito ang 'yong pinagdasal
'Di man kasing bango ng lahat ng nahahalal
Mga nakakarinig, sila ang sumatutal
Pagkakataong humukay ng panibagong bukal
Na humuhubog sa isip ng mga batang may pangarap
Kahit ano'ng mangyari, 'wag kang bibitaw sa yakap
Okay na 'yun 'di ba?



Авторы: Aristotle C. Pollisco


Gloc-9 - Biyahe Ng Pangarap
Альбом Biyahe Ng Pangarap
дата релиза
10-11-2014




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.