Hajji Alejandro - Dati текст песни

Текст песни Dati - Hajji Alejandro



Dati ang mundo'y napupuno ng musika
Kumpas ng hangin ay dala
Ang tinig ng bawat isa
Bawat tao sa mundo
Ay may ningning mga mata
Pangarap ay abot kamay
Pag ibig ay natataglay
Sana'y mabalik ang tamis ng kahapon (kahapon)
Sana'y marinig ang himig niya ngayon
Sana'y makita ko muli ang pagliwanag
Ng araw at ng buwan at mga bituin
Sa kanyang mga mata
At sana'y makapiling ko kahit isang saglit
Ang aking sinta sa mundong ito
Kung paano ko pa siya naaalala
Dati sa mundo kapayapaan ay dama
Saan mang dako magpunta
Walang dapat ipangamba
Bawat tao sa mundo
Ay bumabati ng ngiti
Tawanan at mga awit
Ay bumabalot sa langit
Sana'y maibalik ang tamis ng kahapon (kahapon)
Sana'y marinig ang himig niya ngayon (ngayon)
Sana'y makita ko muli ang pagliwanag
Ng araw at ng buwan at mga bituin
Sa kanyang mga mata
At sana'y makapiling ko kahit isang saglit
Ang aking sinta sa aming mundo
Kung paano ko pa siya naaalala.



Авторы: Maria Lourdes Grace B. Alejandro


Hajji Alejandro - Dati
Альбом Dati
дата релиза
26-03-2021

1 Dati




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.