Himig Heswita - Awit ng Paghahangad текст песни

Текст песни Awit ng Paghahangad - Himig Heswita



O Diyos, ikaw ang laging hanap
Loob ko'y ikaw ang tanging hangad
Nauuhaw akong parang tigang na lupa
Sa tubig ng 'Yong pag-aaruga
Ika'y pagmamasdan sa dakong banal
Nang makita kong ang 'Yong pagkarangal
Dadalangin akong nakataas aking kamay
Magagalak na aawit ng papuring iaalay
Gunita ko'y ikaw habang nahihimlay
Pagkat ang tulong mo sa tuwina'y taglay
Sa lilim ng iyong mga pakpak
Umaawit akong buong galak
Aking kaluluwa'y kumakapit sayo
Kaligtasa'y tyak kung hawak mo ako
Magdiriwang ang langit
Ang Diyos siyang dahilan
Ang sa Iyo ay pangako
Galak yaong makakamtan
Gunita ko'y ikaw habang nahihimlay
Pagkat ang tulong mo sa tuwina'y taglay
Sa lilim ng iyong mga pakpak
Umaawit, umaawit, umaawit akong buong galak




Himig Heswita - Your Dwelling Place (Songs for Healing)
Альбом Your Dwelling Place (Songs for Healing)
дата релиза
17-02-2015



Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.