I Belong to the Zoo - Kapit текст песни

Текст песни Kapit - I Belong to the Zoo



Pasan-pasan mo ang buong mundo
Hindi maintindihan ang mga luhang nasa ′yong mga mata
Sa'n nanggaling? Sino′ng nagdulot? Kailan ang wakas?
Kailan makakaramdam muli?
Parang ang dali-daling umayaw
'Wag ka munang bibitaw
'Di ko kakayaning magpaalam
Teka lang at maghintay
May oras pang nalalabi
Hindi man alam ang maitutulong ko
Ako ay maghahanda basta′t naaayon sa oras mo
Saan man patungo, saan man pulutin, nandito ang bisig ko
Handa basta′t kinakailangan mo
Parang ang dali-daling umayaw
'Wag muna ngayon, hindi pa ngayon
′Wag ka munang bibitaw
'Di ko kakayaning magpaalam
Teka lang at maghintay
May oras pang nalalabi
Kung alam mo lang
Ikaw ang sagot sa aking patlang
At kung alam mo lang
Ikaw ang rason kung bakit hindi pa ako bumibitaw
(Kung alam mo lang) ′Wag ka munang bibitaw
(Ikaw ang sagot sa aking patlang) 'Di ko kakayaning magpaalam
(At kung alam mo lang) Teka lang at maghintay
(Ikaw ang rason kung bakit hindi pa ako) May oras pang nalalabi
At kung alam mo lang (′wag ka munang bibitaw)
Ikaw ang sagot sa aking patlang ('di ko kakayaning magpaalam)
At kung alam mo lang (teka lang at maghintay)
Ikaw ang rason kung bakit hindi pa ako... (may oras pang nalalabi)



Авторы: Rodolfo Guerrero


I Belong to the Zoo - Kapit - Single
Альбом Kapit - Single
дата релиза
17-03-2020

1 Kapit




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.