Joey Ayala - Dumaan Ako текст песни

Текст песни Dumaan Ako - Joey Ayala



Dumaan ako sa tahimik na ilog
Ang buong mundo ay parang natutulog
Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog
Parang ang puso ko itong nadudurog
Kung mag-isa ako ay h'wag nang isipin
Sa dilim ay dapat pa akong hanapin
Habang may luha ay h'wag pang ibigin
Sa pangarap ko ay h'wag nang gisingin
Kaya kong maghintay sa mga tula mo
At makinig sa awit mula sa kabilang dako
At sa paglalakad sa lilim ng mga puno
Matutuklasan ang laman ng pusong malayo
At mapapanood ang sayaw ng mga tutubi
Sabay sa indak at lipad ng ibong humuhuni
At hihinahon na itong hindi mapakali
At makakahimlay sa mapayapang gabi
Dumaan ako sa tahimik na ilog
Ang buong mundo ay parang natutulog
Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog
Parang ang puso ko nga itong nadudurog
Parang ang puso ko itong nadudurog



Авторы: Joey Ayala


Joey Ayala - Lupa't Langit (Joey Ayala Bagong Lumad)
Альбом Lupa't Langit (Joey Ayala Bagong Lumad)
дата релиза
04-08-1997




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.