Joey Ayala - Tabi Po текст песни

Текст песни Tabi Po - Joey Ayala



Tabi po, tabi po
Naglakad ako sa daang putikan
Sa sobrang dulas ay napilitang magyapak
Hinubad ko ang bagong sapatos ko
Tinali sa aking backpack
Gumapang paakyat sa putik at bato
At nakarating sa balikat ng bundok
Naglakad paloob sa makapal na kahuyan
Nakarating sa daang madamo
Nang sapatos ko'y isusuot na sana
Kanan na lamang ang natitira
Kung saan naman nakarating ang kaliwa't
Binalik-balika'y 'di pa rin makita
Ano ngayon, ano ngayon ang gagawin ko?
Iisa na lamang ang sapatos ko
Ito na ba 'yung sinasabi nilang pinaglaruan?
Tabi po, tabi po, palabiro
Mapaglarong engkanto
Tabi po, tabi po, palabiro
Mapaglarong engkanto
Tabi po, tabi po, palabiro
Mapaglarong engkanto
Tabi po, tabi po, palabiro
Sa awa ng Diyos, ako nama'y nakarating
Sa pook-tulugan, takipsilim na
Inabutan ng antok, dala ng pagod at dilim
At hihigan ko'y inilatag na
Nang ang mga mata ko ay pumipikit-pikit
Biglang nagliwanag ang langit
Ako'y tumingala at ang nakita ko
'Di mabilang na bituing nanggigising '
'Sang korong kuliglig, nag-awitan bigla
'Sang pangkat ng palaka'y nagkokokak-kokakan
Mga dahon at sanga'y nagpalakpakan
Paano matutulog n'yan?
Tabi po, tabi po, palabiro
Mapaglarong engkanto
Tabi po, tabi po, palabiro
Mapaglarong engkanto
Tabi po, tabi po, palabiro
Mapaglarong engkanto
Tabi po, tabi po, palabiro
Sa awa ng Diyos, nakatulog din ako
Dikit sa lupa't himbing na himbing
At ang una kong nakita sa pagdilat sa umaga'y
'Sang paris ng sapatos kamukha nu'ng akin
Bumangon ako't tiningnan ang sapatos
Walang kaduda-duda na sa akin nga ito
Kung paano nabuo, 'di ko po alam
Ito na nga siguro 'yung pinaglaruan
Uminom ako sa ilog
Ngunit lalong nauhaw
Naupo sa batong malaki
'Yun pala ay kalabaw
Hinanap ang daang pababa
Ngunit lalo akong nawala, ah-ah, ah-ah-ah-ah-ah-ah (tabi po)
Tabi po, tabi po (tabi po), palabiro
Mapaglarong engkanto (tabi po)
Tabi po, tabi po (tabi po), palabiro
Mapaglarong engkanto (tabi po)
Tabi po, tabi po (tabi po), palabiro
Mapaglarong engkanto (tabi po)
Tabi po, tabi po (tabi po), palabiro
Mapaglarong engkanto (tabi po)
Tabi po, tabi po, tabi po (tabi po, tabi po, palabiro)
Mapaglarong engkanto (tabi po)
Tabi po, tabi po, tabi po (tabi po, tabi po, palabiro)
Mapaglarong engkanto (tabi po)
Tabi po, tabi po, tabi po (tabi po, tabi po, palabiro)
Mapaglarong engkanto (tabi po)
Tabi po, tabi po, tabi po (tabi po, tabi po, palabiro)
Mapaglarong engkanto (tabi po)
Tabi po, tabi po



Авторы: Joey Ayala


Joey Ayala - Lupa't Langit (Joey Ayala Bagong Lumad)
Альбом Lupa't Langit (Joey Ayala Bagong Lumad)
дата релиза
04-08-1997




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.