Kuh Ledesma - Noong Unang Panahon текст песни

Текст песни Noong Unang Panahon - Kuh Ledesma



No'ng unang panahon, ang langit at lupa'y
Magkaratig halos laganap ang tuwa
Kapag sa banga ni butil ay wala
Ang gubat at ilog may handang biyaya
No'ng unang panahon, ang sikat ng araw
Ay nagpapalago sa bawat halaman
Bakit kaya ngayon kay init ng darang
Ilog tinutuyo, parang tinitigang
No'ng unang panahon, ang patak ng ulan
Pinasasariwa, dahong naninilaw
Ngayo'y nagngangalit, may hanging kasabay
May bahang kasunod na nakamamatay
No'ng unang panahon, ang puso ng tao'y
Marunong magmahal, hindi nanloloko
Sa hapis ng iba'y laang makisalo
Lalong pumayapa at hindi magulo
Pati na ang langit na dati'y kay baba
Ay nagpakalayo sa ulilang lupa
Bathala gumising, tuyuin ang luha
Ng nananawagan at nagpapaawa
No'ng unang panahon, ang langit at lupa'y
Magkaratig halos laganap ang tuwa
Bathala gumising, tuyuin ang luha
Ng nananawagan at nagpapaawa
No'ng unang panahon
No'ng unang panahon
No'ng unang panahon



Авторы: Nonong Pedero-bien Lumbera


Kuh Ledesma - SCE: Ako Ay Pilipino Vol. 1
Альбом SCE: Ako Ay Pilipino Vol. 1
дата релиза
07-03-2008




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.