Martin Nievera - May Minamahal текст песни

Текст песни May Minamahal - Martin Nievera



May minamahal
Bawat taong may damdamin
May minamahal
Tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig
At ngayo'y nagmamahalan ng tapat
'Pag nagmamahal
Bawat sandaling kasiping ka'y anong bilis
Bawat oras ay mayro'ng
Kasaysayang anong sarap, anong tamis
Maligaya nga ang taong nagmamahal
Kaya ako'y napaligaya
Ng tunay na pagmamahal
Ang lahat ng kagandahan ay nasa 'yo
Ningning ng mata, lambot ng labi
At ugaling walang kapintasan
Nababalot ng alindog, katawang tunay
'Pag minamahal
Kulay rosas ang paligid ko sa tuwi-tuwina
Nakayakap sa ulap
Buong mundo'y nagagalak
Na mayroong nagtatalik na dal'wang
Pusong nagmamahal
Kaya't tayo'y magpasalamat
Sa ating kapalaran
Nasa atin ang kaganapang hinahanap
Ng bawat nilalang na may puso rin
Dahil tayo'y hindi magbabago
Habang may buhay.
May minamahal
Bawat taong may damdamin
May minamahal
Tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig
Kaya't habang may pag-asa kayo
Humanap ng pag-ibig na totoo
Saka lang liligaya
Kung mayroon nang tunay na minamahal
May minamahal
Bawat taong may damdamin
May minamahal
Tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig
Kaya't habang may pag-asa kayo
Humanap ng pag-ibig na totoo
Saka lang liligaya
Kung mayroon nang tunay na minamahal
May minamahal



Авторы: Willy Cruz


Martin Nievera - Ikaw Ang Pangarap
Альбом Ikaw Ang Pangarap
дата релиза
23-06-2008




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.