Martin Nievera - Pag-Uwi текст песни

Текст песни Pag-Uwi - Martin Nievera



Kay tagal na nating nagkakalayo
Nung tayo'y magkahiwalay, ako'y musmos
At sa hardin ng kabataan, nangako't nagpaalam
At hinagkan kita, may gatas pa sa labi
Ewan ba sa'n napunta ang panahon
Sa hanapbuhay, buhay ko'y nakatuon
Sa bayan ng mga banyaga, ako ay manggagawa
Pag-ibig ko sa 'yo'y iniipon
O, kay layo mo
'Di maabot nitong mga kamay
Walang tulay na kayang tumawid
Sa mga taon kundi, ang alaala
Alam ko na'ng ating mukha'y may guhit na
Mga dinanas natin ay magkaiba
Ngunit sa 'king pagbabalik, sariwa ang halik
Halik sa 'yong dibdib, bayan ko
Ako ngayon ay pauwi at napapangiti
'Pagkat malaon na, o bayan ko
O, kay lapit na
Ako'y sabik na makapiling ka
Sa pagdating, may luha ma't wala
Ako ay sisigaw at hahalik sa lupa
Ohh, kay tagal na nating nagkakalayo
Nung tayo'y magkahiwalay, ako'y musmos
Ngunit ngayon ay pauwi at napapangiti
'Pagkat malaon na, sinta
Ako ngayon ay pauwi at napapangiti
At hahalik sa 'yo, bayan ko



Авторы: Ocampo Jr Jose Luis, Ayala Jose Inigo Homer Lacambra


Martin Nievera - Ikaw Ang Pangarap
Альбом Ikaw Ang Pangarap
дата релиза
23-06-2008




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.