Nica del Rosario - Pakiusap текст песни

Текст песни Pakiusap - Nica del Rosario



Aking mahal, pakiusap
Ako ay hindi dalubhasa
Sa pag-aaruga, ang 'yong puso sinta
Kauna-unahang naging akin lamang
At dito sa'ting mundong walang sigurado
Ngunit ang dinarama ay buong, buong, buo
Kay tagal nang hinahanap
Mga akmang mga pangungusap
Wala yatang katumbas
Hindi sapat ang mahal na mahal kita
Aking giliw, pakiusap
Tumataya't nangangapa
Pagkaingat-ingat ngunit nadarapang
'Pag siya'y sobra-sobra ngunit laging kulang
Laging nahuhulog at nadedehado
Ngunit ang pagmamahal ko'y buong, buong, buo
Kay tagal nang hinahanap
Mga hakbang, mga pangungusap
Wala yatang katumbas
Hindi sapat ang mahal na mahal
Kay tagal nang iniisip
Sa lahat ng tamis at pait
Habang kasayaw ang pag-ibig
Paano ko ba iaalay ang musika?
Hindi sapat ang mahal na mahal kita
Kay tagal nang iniisip
Sa lahat ng tamis at pait
Habang kasayaw ang pag-ibig
Paano ko ba iaalay ang musika?
Hindi sapat ang mahal na mahal kita
Aking mahal, pakiusap
Ikaw ang aking bagong pangarap



Авторы: Gianina Camille Del Rosario


Nica del Rosario - ALAS DOS
Альбом ALAS DOS




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.