Sarah Geronimo - Sandata текст песни

Текст песни Sandata - Sarah Geronimo



Hmm, whoa-oh-oh-oh, oh, oh
Napapaligiran ng kung ano-anong kagulo-gulo-gulo-guluhan
Hindi alam kung sa'n ang ating patutunguhan
Ang kalalabasan ng kinabukasan
Ikaw lang ang tanging kasiguraduhan
Sa lahat ng alinlangan
Sa digmaan na ito, ikaw lang ang sandata ko
Baligtarin man ang mundo, oh, oh
Ipaglalaban ang pag-ibig mo
Ako ay iyo, oh
Ang yakap mo ang s'yang aking panangga
Salita mo ang s'yang balaraw
Buong daigdig man ang ating kalaban
Hinding-hinding-hindi mapipigilan
Handang salubungin ang s'yang nakatakda
Sa aking tadhana (tadhana)
Kung ang kahihinatnan nito'y
Ikaw na ang makakasama
Sa digmaan na ito, ikaw lang ang sandata ko
Baligtarin man ang mundo, oh, oh
Ipaglalaban ang pag-ibig mo
Ako ay iyo
Giliw, 'di na magbabago
Bumaligtad man ang mundo, ako ay iyo
Giliw, 'di na magbabago
Bumaligtad man ang mundo, ako ay iyo
Giliw, 'di na magbabago
Bumaligtad man ang mundo, ako ay iyo
Giliw, 'di na magbabago
Bumaligtad man ang mundo
Sa digmaan na ito, ikaw lang ang sandata ko
Baligtarin man ang mundo, oh, oh
Ipaglalaban ang pag-ibig mo
Ako ay iyo
Giliw, 'di na magbabago
Bumaligtad man ang mundo, ako ay iyo
Giliw, 'di na magbabago
Bumaligtad man ang mundo, ako ay iyo
Giliw, 'di na magbabago
Bumaligtad man ang mundo, ako ay iyo
Giliw, 'di na magbabago
Bumaligtad man ang mundo, ako ay iyo



Авторы: Julius De Belen, Nica Del Rosario


Sarah Geronimo - Sandata
Альбом Sandata
дата релиза
04-04-2019




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.