The Dawn - Iisang Bangka Tayo текст песни

Текст песни Iisang Bangka Tayo - The Dawn



Kay dilim at kay ginaw sa kalawakan ng dagat
Ubod lakas kong humiyaw ang galit na hanging habagat
Ngunit buo ang puso mo ang daluyong ay susugurin
Kasama tayong tatahimik ay hahanapin
Saan ang tungo mo mahal kong kaibigan?
Saan sadsadyain hanap mong katahimikan?
Basta't tayo'y magkasama laging sasabayan
Pinagsamaha'y nasa puso, kaibigan, kabarkada
Iangat natin ang layag sa umaawit na hangin
Kapit-bisig tayong ang gabi ay hahawiin
Dahon ng damo tangay ng hangin
At 'di mo matanaw kung saan ka dadalhin
Ngunit kasama mo ako, nakabigkis sa puso mo
Daluyong ng dagat ang tatawirin natin
Saan ang tungo mo mahal kong kaibigan?
Saan sadsadyain hanap mong katahimikan?
Basta't tayo'y magkasama laging sasabayan
Pinagsamaha'y nasa puso, kaibigan, kabarkada
Iangat natin ang layag sa umaawit na hangin
Kapit-bisig tayong ang gabi ay hahawiin
Ating liliparin, may harang, may sibat
Ating tatawirin, daluyong ng dagat
Basta't kasama mo ako, iisang bangka tayo
Anuman ang mithiin ay makakamtan natin
Ating liliparin, may harang, may sibat
Ating tatawirin, daluyong ng dagat
Basta't kasama mo ako, iisang bangka tayo
Anuman ang mithiin ay makakamtan natin



Авторы: C. Michelena, Carlos "caloy" Balcells, Domingo Leonor, E. Castillo, Francis Reyes, G. Nisperos, Reginald Pangan


The Dawn - Tulad Ng Dati
Альбом Tulad Ng Dati
дата релиза
30-10-2006




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.