Thyro Alfaro feat. Aikee - Oka текст песни

Текст песни Oka - Aikee , Thyro Alfaro



Ako na yata ang pinakaswerteng nilalang
Sa ibabaw ng mundo nating kumikinang
Sobrang kinang, kumikislap ang
Bawat pangarap sa 'yo ko nahanap
Nang aking mayakap ang tulad mo
Oh, oo ikaw, tanging ikaw ang naligaw
Sa puso ko na, na, na, hindi bumitaw
At lumitaw ang tunay na ikaw
Nakakabigla, ako'y nangamba
Ang dating ikaw biglang nag-iba dahil
Parang laging may galit
Puro pangit ang aking sinapit
At ang sakit sadyang lumalapit
Ako ay napakapit sabay tanong ng bakit
Laging ako, laging ako ang nakikita mo
Ako, laging ako ang nasisisi mo
Ako, laging ako, laging ako, ako, ako, oh-woah-oh-oh
Ako ang nagsilbing tagapagmana ng poot
Laging yamot kang sasalubong na lukot
Ang 'yong mukha na para bang
Pinaglihi ka sa sama ng loob
Wala akong ginawa pero laging lagot, uh
Hinusgahan mo agad ako sa 'di ko ginawa
Kaya hindi na ako magtataka na baka
Ang mga sakuna lindol at pagbaha
Pati traffic sa EDSA isisi mo dahil
Parang laging may galit
Puro pangit ang aking sinapit (pangit ang sinapit)
At ang sakit sadyang lumalapit (at kay sakit, lumalapit)
Ako ay napakapit sabay tanong ng bakit
Parang laging may galit
Puro pangit ang aking sinapit
At ang sakit sadyang lumalapit
Ako ay napakapit sabay tanong ng bakit
Ako ba ang mali? Ako ba ang sanhi?
Ng mga kamalasan at pagkasawi
Sa mga minithi hindi nagwagi
Ako ang nasisi sa pagkagapi
Bihirang ngiti sa 'kin ikinubli
Inabot ko lahat pati na ang sukli
Ako'y nagtanggi, puso ay naapi
Bumangon muli ay hindi madali
Lumakad humakbang papalapit sa 'yo
Subalit ikaw ang nagtulak sa 'kin palayo sa 'yo
Napagod, nasaktan takot ng harapin
Kapag ako'y naglaho 'wag mo na akong hanapin dahil
Parang laging may galit
Puro pangit ang aking sinapit
At ang sakit sadyang lumalapit
Ako ay napakapit sabay tanong ng bakit
Parang laging may galit
Puro pangit ang aking sinapit
At ang sakit sadyang lumalapit
Ako ay napakapit sabay tanong ng bakit
Parang laging may galit (parang laging, laging may galit)
Puro pangit ang aking sinapit (puro pangit ang sinapit)
At ang sakit sadyang lumalapit (woah-oh-woah)
Ako ay napakapit sabay tanong ng bakit
Ako, ako, ako ang madalas na (parang laging may galit)
Nakikita ng mga mata mo (puro pangit ang aking sinapit)
Kaya kakaba-kaba katakataka (ako, laging ako ang nasisisi mo)
Bakit ganito ang natamo ang gumimbal sa pagkahimbing (ako, laging ako)
At matagal ko nang kinimkim (laging ako, ako, ako)
Gabi-gabing napapailing hindi ito ang aking hiling (ako, ako, ako, oh)
Kaya tuluyan natunaw nalusaw ang tingkad (parang laging may galit)
Gumunaw ang aking mundo sa pagbaliktad dahil (puro pangit ang aking sinapit)
Bawat daanan ng pag-uusapan sa tagal ng ating pagmamahalan (ako, laging ako, laging ako)
O, kahit ano ang mga kaganapan palaging ako ang may kasalanan (ako, ako, ako, oh)
Laging ako, ang nakikita mo (parang laging may galit)
Ako, laging ako ang nasisisi mo (puro pangit ang aking sinapit)
Ako, laging ako, laging ako, ako, ako, oh, oh-oh (at ang sakit sadyang lumalapit)
Bakit ba laging ako?
Laging ako, laging ako ang nakikita mo (parang laging may galit)
Ako, laging ako ang nasisisi mo (puro pangit ang aking sinapit)
Ako, laging ako, laging ako, ako, ako, oh, oh-oh (at ang sakit sadyang lumalapit)
Sabay tanong ng bakit



Авторы: Carlos Djanuno Dabo


Thyro Alfaro feat. Aikee - PhilPop 2018: Top 30
Альбом PhilPop 2018: Top 30
дата релиза
17-09-2018



Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.