Ryan Cayabyab - Bakya Mo Neneng Lyrics

Lyrics Bakya Mo Neneng - Ryan Cayabyab



Baka mo Neneng
Luma at kupas
Ngunit may bakas pa
Ng luha ko sinta
Sa ala-alay muling nagbalik pa
Ang ating kahapon
Tigib ng ligaya
Ngunit irog ko
Bakit isang araw
Di mo ginamit ang bakya mo
Aking hirang
Sa wari ko ba ay di na kailangan
Pagkat kinupasan ng ganda at kulay
Ngunit irog ko
Bakit isang araw
Hindi mo ginamit ang bakya mo aking hirang
Sa wari ko ba ay di na kailangan
Pagkat kinupasan ng ganda at kulay
Ang aking pag-asa'y saglit na pumanaw
Sa bakya mo Neneng na di nasilayan
Kung inaakalang yan ay munting bagay
Wag itapon aking buhay
Ang aliw ko kailanman
Ang aking pag-asa'y saglit na pumanaw
Sa bakya mo Neneng na di nasilayan
Kung inaakalang yan ay munting bagay
Wag itapon aking buhay
Ang aliw ko kailangan



Writer(s): Dominador Santiago, Santiago Suarez


Ryan Cayabyab - Ryan Cayabyab One
Album Ryan Cayabyab One
date of release
02-04-2019




Attention! Feel free to leave feedback.