Ryan Cayabyab - Kay Ganda Ng Ating Musika Lyrics

Lyrics Kay Ganda Ng Ating Musika - Ryan Cayabyab



Magmula no'ng ako'y natutong umawit
Naging makulay ang aking munting daigdig
Tila ilog pala ang paghimig
Kung malalim, damdami'y pag-ibig
Kung umapaw ang kaluluwa't tinig
Ay sadyang nanginginig
Magmula no'ng ako'y natutong umawit
Bawa't sandali'y aking pilit mabatid
Ang himig na maituturing atin
Mapupuri 'pagka't bukod-tangi
'Di marami ang 'di magsasabing
Heto na't inyong dinggin
Kay ganda ng ating musika
Kay ganda ng ating musika
Ito ay atin, sariling atin
At sa habang-buhay, awitin natin
Kay ganda ng ating musika
Kay ganda ng ating musika
Ito ay atin, sariling atin
Magmula no'ng ako'y natutong umawit
Nagkabuhay muli ang aking paligid
Ngayong batid ko na ang umibig
Sa sariling tugtugtin o himig
Sa isang makata'y maririnig
Mga titik, nagsasabing
Kay ganda ng ating musika
Kay ganda ng ating musika
Ito ay atin, sariling atin
At sa habang buhay, awitin natin
Kay ganda ng ating musika
Kay ganda ng ating musika
Ito ay atin, sariling atin
Kay ganda ng ating musika
Magmula no'ng ako'y natutong umawit



Writer(s): Cayabyab Ryan


Ryan Cayabyab - Ryan Cayabyab One
Album Ryan Cayabyab One
date of release
02-04-2019




Attention! Feel free to leave feedback.