Ryan Cayabyab - Liman-Dipang Tao Lyrics

Lyrics Liman-Dipang Tao - Ryan Cayabyab



Limang dipang taong nagtutulakan
Sa abenidang aking napagdaanan
Nag-aabang ng masasakyan
Patungo kung saan, 'di ko malaman
Sa aking dyipning sinasakyan
Mayro'ng natanaw na mama
Sa dinami-raming nagdaraan
Ikaw pa ang nakita (ikaw pa ang nakita)
Ikaw pa ang nakita (ikaw pa ang nakita)
May kasamang dalaga
Para, mama, dito na lang, bababa na ako
Para, mama, dito na lang, heto ang bayad ko
Para na sabi, para na sabi
Para, mama, para na d'yan sa tabi
Limang dipang taong nagtutulakan
Ang dinaanan ko sa paghabol sa 'yo
Tinatanaw ang pag-akay mo
Sa dalagang pinagseselosan ko
Sa pagmamadali, nadapa ako
Sa bangketang kinatatayuan n'yo
Lumapit ka at tinulungan ako
At kita'y tinitigan (at kita'y tinitigan)
Mga mata'y nagkabanggaan (mga mata'y nagkabanggaan)
Ano ba itong naramdaman?
Sorry, mama, pasensiya ka na, akala ko'y asawa kita
Sorry, mama, pasensiya ka na, sorry't naabala ka pa
Sorry na sabi, sorry na sabi
Sorry, mama, sorry't napagkamalan ka
Limang dipang taong nagtutulakan
Sa abenidang aking kinatatayuan
Nag-aabang ng masasakyan
Patungo kung saan, 'di ko malaman
Limang dipang taong nag-uunahan
Sa uunting sasakyang nagdaraan
Sayang ang dyipning kanina'y lulan
At ngayo'y nagsisisi (at ngayo'y nagsisisi)
Sa aking pagbubusisi (sa aking pagbubusisi)
Malaking pagkakamali
Para, mama, sasakay po
Limang dipang taong nagtutulakan
Para, mama, sasakay po
Limang dipang taong nag-uunahan
Para na sabi, para na sabi
Para, mama, para na d'yan sa tabi
(Para, mama, d'yan sa tabi)
Para na sabi, para na sabi
Para, mama, para na d'yan sa tabi (d'yan sa tabi, sa tabi)
Para na d'yan sa tabi (para na d'yan)
Sa tabi, para



Writer(s): Ryan Cayabyab


Ryan Cayabyab - Ryan Cayabyab One
Album Ryan Cayabyab One
date of release
02-04-2019




Attention! Feel free to leave feedback.