Jeeps Over Taxis - Takipsilim Songtexte

Songtexte Takipsilim - Jeeps Over Taxis




Sa hamog ng gabi'y ika'y sumilip
Nababalot ng malamyang ilaw ng hatinggabi
At ang lamig sa hangin ay ang iyong kaibigan
At ano mang dala ng araw ay iyong susubkan
At sa muling pagsikat ng araw ay ang pagkabalisa
Sawang-sawa na sa pagdaan lamang ng buhay
At kung iyong iisipin ikaw lamang ang dahilan
Saan mo nga ba sinusulat ang hapdi sa utak
At ngayon sa kadiliman ng gabi
Isigaw mo ang lahat ng pasakit
Habang may boses pa ang labi
Yakapin mo ang langit
Sumigaw ka sa bituin
Ang kasagutan ay ayon sa iyong pagkiling
Yakapin mo ang langit
Sumigaw ka sa bituin
Sumigaw ka bituin
At ngayon sa kadiliman ng gabi
Isigaw mo ang lahat ng pasakit
Habang may boses pa ang labi
Yakapin mo ang langit
Sumigaw ka sa bituin
Ang kasagutan ay ayon sa iyong pagkiling
Yakapin mo ang langit
Sa isipa'y makakamit
Habang nagdurusa sa atin ang gabi



Autor(en): John Carlo Santos, Jeeps Taxis


Jeeps Over Taxis - Takipsilim
Album Takipsilim
Veröffentlichungsdatum
27-02-2018





Attention! Feel free to leave feedback.