Andrew E. - Girl Lyrics

Lyrics Girl - Andrew E.



Pangarap ko na matamis ay para sa iyo
Ang magkaanak tayo na puro bobo
Ang makasama ka sa 'yong magkapamilya
Sa ilalim ng tulay, doon kita ititira
Pangarap kong mabigyan kita ng kariton
Ikaw at ang anak natin, magtutulak maghapon
Dahil ako'y walang silbi, ika'y magsisilbi
Ikaw at ang anak natin, mamamasura lagi
Mas masuwerte tayo sa iba at mas mapalad
Dahil mamumuhay tayo na kapos-palad
Palagi tayong magdidildil ng asin
At 'pag walang makain, itutulog na lang natin
Oh my fiancée, listen to what I say
Magiging buhay natin, kahirapan every day
Walang-wala kang mapapala, 'yan ay asahan mo
Dahil 'di ako magkakaroon ng trabaho
Girl, pwede ka bang maging asawa?
Girl, habang-buhay tayong magsasama
Pero hindi ka pwedeng magreklamo
At lahat ng ito'y dapat titiisin mo
At ang mahalaga ay "no return, no exchange" tayo
Oh ano? Oh say mo? Oh
Bawat segundo ng buhay mo, bigla mag-iiba
Buhay sa kalsada, iyong matatamasa
Ititira kita sa bahay ko na madilim
Dalawang beses sa isang linggo, hapunan lang tayo kakain
Hindi na natin matutupad mga pangarap
Ikaw at ako, magsasama sa paghihirap
Sa simbahan, mamamalimos ka maghapon
Habang ako'y manghoholdap at mang-i-snatch ng cellphone
At lalaking mga baluga ang ating anak
Pati sa eskuwelahan, hindi sila makakaapak
Ganyan kita kamahal, ako'y magbabakal
Kakainin na lang natin, akin pang isusugal
Inaalay ko sa 'yo, buhay ko sa basurahan
Pinapangako ko sa 'yo, tayo'y walang kinabukasan
Walang iwanan hanggang sa tayo'y tumanda
Inibig mo 'ko, girl, kaya wala kang napala
Binuntis kita agad kaya 'di na nakapalag
Sa ayaw mo't sa gusto, kasama mo 'ko magdamag
Sa wakas may katabi na ring matulog sa estero
Magsisiksikan tayo sa aking bahay-kubo
'Di ka pababayaan, iingatan
Nakaguwantes kang magkakalkal basurahan
Pero 'wag mag-alala, kasama mo ating anak
Habang ako ay tulala, ikaw nama'y puro iyak
Promise ko, iti-treat ko ang buong family
Mag-aabang, kakain ng tira-tira sa Jollibee
Para germ-free, para iwas sa sakit
Kapag panis na, iinitin lang ulit
Mamumuhay tayo nang marangal
Hindi tayo kakain ng almusal
Gutom natin, titiisin lang, lilipas din naman
Mamumuhay tayong walang luho sa katawan
Girl, pwede ka bang maging asawa?
Girl, habang-buhay tayong magsasama
Pero hindi ka pwedeng magreklamo
At lahat ng ito'y dapat titiisin mo
At ang mahalaga ay "no return, no exchange" tayo
Oh ano? Oh say mo? Oh
Hey yo! Pa'no na kung 'di ako naging sikat na movie star?
At natiyambahan mo akong maging asawa
Araw-araw, Tanduay, araw-araw, tambay
Imbes na Rockwell, do'n tayo sa tulay
At sa palengke, nag-aabang ng bigay
Ng mga buntot ng baboy at bulok na gulay
Pupunta ng Channel 7, tiyak na du'n kasama ka
Sa mga artista, manghihingi ng barya
Pambili ng ukay-ukay na may mantsa na steak
Expired na de-lata, botoks na puto cake
At ang mga anak, sa ampunan padadala
Kasi 'di kayang palamunin, paaralin sila
At tayo'y nasa Malate, alas-siyete ng gabi
Ibubugaw kita at isasakay sa taxi
Pero thank God, biniyayaan ako
Kaya 'di mo mararanasan mga bagay na 'to
Girl, pwede ka bang maging asawa?
Girl, habang-buhay tayong magsasama
Pero hindi ka pwedeng magreklamo
At lahat ng ito'y dapat titiisin mo
At ang mahalaga ay "no return, no exchange" tayo
Oh ano? Oh say mo? Oh
Girl, pwede ka bang maging asawa?
Girl, habang-buhay tayong magsasama



Writer(s): N. Gimbel, A.c. Jobim, V. De Moreas


Andrew E. - Clean
Album Clean
date of release
27-02-2007




Attention! Feel free to leave feedback.