Andrew E. - Mas Gusto Mo Siya Lyrics

Lyrics Mas Gusto Mo Siya - Andrew E.



Sa gabing ika'y kalakip, puso'y nag-uugnay
Kaligayahan at sa halip napapawi ang lumbay
Lagi lang iniisip pag-ibig ko'y tunay
At pati sa panaginip, ito'y walang humpay
Ngunit kung ang pagsuyo'y 'di na magtatagal
Sabihin lang sa akin kung may iba kang mahal
At kung ako sa 'yo'y sadya nang balewala
Pag-ibig kong ito'y wala ng magagawa
Aanhin pa ang puso kung 'di mo pansin
Hinding-hindi na natuto, bigo ang damdamin
Ito ba ang pag-suyo na dapat tanggapin
'Di malaman kung paano ang aking gagawin
Ngunit kung ang pagsuyo'y 'di na magtatagal
Sabihin lang sa akin kung may iba kang mahal
At kung ako sa 'yo'y sadya nang balewala
Pag-ibig kong ito'y wala ng magagawa
Huling-huli ko ikaw ngunit 'di makasigaw oh woh
Ngayon ay alam ko na mas gusto mo siya oh woh
Ang ika'y mapasa-akin, kaligayahan na
Ang lahat ay hahamakin masunod ka lang, sinta
Sino ba ang pipiliin sa aming dalawa
Kaya't sabihin mo sa akin, ako'y wala na ba
Ngunit kung ang pagsuyo'y 'di na magtatagal
Sabihin lang sa akin kung may iba kang mahal
At kung ako sa 'yo'y sadya nang balewala
Pag-ibig kong ito'y wala ng magagawa
Ang bakas ng lumipas, aking babalikan
'Di ba't ako ang taga-pilas ng iyong kalungkutan
Ngunit bakit pinapilas ang ating samahan
Marahil sa iyong pag-iwas ako'y napabayaan
Ngunit kung ang pagsuyo'y 'di na magtatagal
Sabihin lang sa akin kung may iba kang mahal
At kung ako sa 'yo'y sadya nang balewala
Pag-ibig kong ito'y wala ng magagawa
Huling-huli ko ikaw ngunit 'di makasigaw oh woh
Ngayon ay alam ko na mas gusto mo siya oh woh
Huling-huli ko ikaw ngunit 'di makasigaw oh woh
Ngayon ay alam ko na mas gusto mo siya



Writer(s): Andrew Ford Espiritu


Andrew E. - Andrew E. 18 Greatest Hits
Album Andrew E. 18 Greatest Hits
date of release
15-10-2010




Attention! Feel free to leave feedback.