Ariel Rivera - Sana Kahit Minsan Lyrics

Lyrics Sana Kahit Minsan - Ariel Rivera



Bakit ikaw ang nais na matanaw nitong mga mata?
Tunay kayang nabighani ako sa taglay mong ganda
Nais kong marinig malamyos mong tinig
Na sa aki'y aliw at tila ba ito'y hulog pa ng langit
'Pag nakita ka na'y ayaw nang kumurap o pumikit man lang
Dahil baka mawala kang bigla nang hindi ko alam
Minsa'y hinahagka't yakap-yakap kita
Nguni't sa paggising ko ay 'di pala tunay at nanghihinayang na
Sana kahit minsan ay mapansin ako
Malaman mong kita'y mahal at iyan ay totoo
Huwag mong iisiping nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay sa 'yo
'Pag nakita ka na'y ayaw nang kumurap o pumikit man lang
Dahil baka mawala kang bigla nang hindi ko alam
Minsa'y hinahagka't yakap-yakap kita
Nguni't sa paggising ko ay 'di pala tunay at nanghihinayang na
Sana kahit minsan ay mapansin ako
Malaman kong kita'y mahal at iyan ay totoo
Huwag mong iisiping nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay sa 'yo
Hanap ng puso ay laging ikaw
Tanging nais ko'y ang iyong pagmamahal
Sana'y sabihing mahal mo rin ako
Ikaw ang tawag ng damdamin ko
Sana ay mapansin ako
Malaman mong kita'y mahal at iyan ay totoo
Huwag mong iisiping nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay
Ikaw ang nais sa habang-buhay
Ang pag-ibig na alay ko sa 'yo'y tunay
Sa 'yo'y tunay
Sana kahit minsan, minsan
Sana kahit minsan
Sana kahit minsan



Writer(s): Saturno Venancio A, Vehnee Saturno


Ariel Rivera - Greatest Hits




Attention! Feel free to leave feedback.