Caleb Santos - Mahirap Magselos Lyrics

Lyrics Mahirap Magselos - Caleb Santos



Mahirap magselos 'pag 'di naman kayo
Tingin ka nang tingin, 'di ka pinapansin
Ngunit nariyan ka pa rin, umaasang lingunin
Mahirap magselos 'pag 'di naman kayo
Mahirap magselos 'pag 'di naman kayo
Mahirap umasang pangarap ay ikaw
Dinadaan-daanan lang, 'di ka nakikita
Bakit nariyan ka pa rin? Lungkot-lungkutan ang dating
Nangangarap nang gising na ikaw ay maangkin
Mahirap magselos 'pag 'di naman kayo
Bakit ganito? Kung sino'ng mahal mo, 'di ka pinapansin
Bitaw na, tama na nang iyong mapansin
May nagseselos din pala sa 'yo
Sana'y matauhan, lumingon sa iba
Iyong makikita, may nagpapapansin
Muntik mong 'di makita dahil abala
Sa pagseselos mo sa sinta ng iba
May nagseselos din sa 'yo, buti'y 'yong nakita
Nagkatagpong mga tingin, nakita at napansin
Mahirap magselos 'pag 'di naman kayo
Simula na 'to, 'di na mang-aangkin kung 'di naman akin
Tigil na, gising na, mayroong darating
Na para sa 'yo, na magmamahal sa 'yo
Na nagseselos din pala sa 'yo
Bakit ganito? Kung sino'ng mahal mo, 'di ka pinapansin
Bitaw na, tama na nang iyong mapansin
Nagseselos siya sa 'yo, umaasang maging kayo
Sana nga maging kayo, dahil pwede nang magselos kapag kayo



Writer(s): Paul Hildawa


Caleb Santos - PhilPop 2018: Top 30
Album PhilPop 2018: Top 30
date of release
17-09-2018



Attention! Feel free to leave feedback.