Gloc 9 feat. HELLMERRY - Langit Lupa (feat. HELLMERRY) Lyrics

Lyrics Langit Lupa (feat. HELLMERRY) - Gloc 9 feat. HELLMERRY



Bakit mo ako niyaya dito
Para gitgitin ng mga kayabangan mo?
Bakit mo ako sinama dito?
Sabay bulong mo nang mahina
Langit o lupa, araw o gabi
Mamili sa dalawa, tama o mali
Lagit o lupa, araw o gabi
Mamili sa dalawa
Sa′n ka papunta, kaliwa o kanan?
Ano'ng gusto, bago o pinaglumaan?
Mayron o wala, payat man o mataba
Pandak o matangkad na palaging tinitingala
Mura o mahal, sandali o matagal
Manipis o makapal o ′di kaya'y mahiyain o garapal
Pangit o maganda, bata man o matanda
Sino kaya ang malaya, 'yung nakagapos o s′yang nakawala?
Tandaan mo sa buhay ay dalawa lang
Ang s′yang dapat nating pagpilian
Nasasa'yo ang kahihinatnan
Mabuti mong pag-isipan nang hindi ka magtanong ng
Bakit mo ako niyaya dito
Para gitgitin ng mga kayabangan mo?
Bakit mo ako sinama dito?
Sabay bulong mo ng mahina
Langit o lupa, araw o gabi
Mamili sa dalawa, tama o mali
Lagit o lupa, araw o gabi
Mamili sa dalawa
Bakit ba nahihirapan? Ang pagpipilian lang ay dalawa
Pinag-iisipan pa ba kung ano ang tunay na mahalaga?
Sabi sa akin nu′ng bata pa, 'pag puro mali ay tama na
Pa′no ang kinabukasan kung 'di ka aabot sa makalawa?
Kagatin ko na kaya ang berdeng mansanas na ibinigay ng ahas
Magaling sa mga bagay, pero bakit dami pa rin dinaranas?
Lumalaban nang parehas, kahit kapalaran parang ′di na patas
Totoo ang pagkatao kahit nababalot ng pekeng alahas
Sabi sa 'kin nu'ng baraha, sa kanya na lang iasa
Pero bakit laging malas kahit ilang ulit ko nang binalasa
Habulin man at madapa, mabuti man o masama
Mamili ka sa dalawa, langit-lupa, ikaw ang taya
Tandaan mo sa buhay ay dalawa lang
Ang s′yang dapat nating pagpilian
Nasasa′yo ang kahihinatnan
Mabuti mong pag-isipan nang hindi ka magtanong ng
Bakit mo ako niyaya dito
Para gitgitin ng mga kayabangan mo?
Bakit mo ako sinama dito?
Sabay bulong mo ng mahina
Langit o lupa, araw o gabi
Mamili sa dalawa, tama o mali
Lagit o lupa, araw o gabi
Mamili sa dalawa



Writer(s): Aristotle Pollisco


Gloc 9 feat. HELLMERRY - Langit Lupa (feat. HELLMERRY) - Single
Album Langit Lupa (feat. HELLMERRY) - Single
date of release
17-09-2021



Attention! Feel free to leave feedback.