Jolina Magdangal - Kung Kailan Wala Ka Na Lyrics

Lyrics Kung Kailan Wala Ka Na - Jolina Magdangal



Bakit ba hindi ko pinansin ang pagtingin
Na inalay mo noon sa akin
Bakit pa hindi ko tinanggap at inangkin
Ang pag-ibig mong wagas at taimtim
Bakit ba ngayon ko lang nalaman talaga
Kung kailan wala ka na
Paano maibabalik ang kahapong nagdaan
Nang matiyaga kang nariya't naghihintay
Paano ba magagawang ang mali'y mapalitan
Nang hindi ka na tuluyang mawalay
Paano mababawi ang mga alaala
Kung kailan wala ka na
Kung kailan wala ka na
Ngayon ka pa hinahanap
Nangungulila sa tuwina
Ang puso kong nagpapanggap
Kunwari ay nakangiti
Nguni't talagang lumuluha
Ngayon ako'y nagsisisi
Kung kailan wala ka na
Paano maibabalik ang kahapong nagdaan
Nang matiyaga kang nariya't naghihintay
Paano ba magagawang ang mali'y mapalitan
Nang hindi ka na tuluyang mawalay
Paano mababawi ang mga alaala
Kung kailan wala ka na
Kung kailan wala ka na
Ngayon ka pa hinahanap
Nangungulila sa tuwina
Ang puso kong nagpapanggap
Kunwari ay nakangiti
Nguni't talagang lumuluha
Ngayon ako'y nagsisisi
Kung kailan wala ka na
Ano ang gagawin ng puso kong bigo
Na ngayo'y bihag na ng iba
At ako ngayo'y nag-iisa
Kung kailan wala ka na
Ngayon ka pa hinahanap
Nangungulila sa tuwina
Ang puso kong nagpapanggap
Kunwari ay nakangiti
Nguni't talagang lumuluha
Ngayon ako'y nagsisisi
Kung kailan wala ka na
Kung kailan wala ka na



Writer(s): De Pano Arnel, Villanueva Soc


Jolina Magdangal - Forever Jolina
Album Forever Jolina
date of release
15-01-2004




Attention! Feel free to leave feedback.