esseca - SAYO Lyrics

Lyrics SAYO - esseca



Napagusapan na natin to'
Kaya ko sayo'y litong lito
Alam mo naman na kasi
Bakit kailangan mo pa tanungin?
Bakit kailangan ko pa harapin?
Ang tanging kailangan ko lang alamin ay:
Kung ikaw ba'y masaya
O gusto nang mawala
Dahil ang gusto ko lang naman satin ay wag mo na sana ikumpara
Yung ating nakaraan, wag na sanang matignan
Dahil ikaw ang tanging kailangan ko na mahagkan
Oh
Alam mo naman na siguro ito
Oh
Ang kwento kung bakit nagkaganito
Oh
Alam mo naman na siguro ito
Oh
Ang kwento kung bakit nagkaganito
Hey, hindi ko man masabi sayo
Ang puso ko'y sayo tumitibok
Ating oras man ngayo'y magkalayo
Laging hantungan pabalik pa rin sayo
Sayo, pabalik pa rin sayo
Malayo man, babalik pa rin sayo
Sayo, pabalik pa rin sayo
Sayo, babalik pa rin ako
'Di kita pinipilit manatili
Pero bakit nakakapit parin ang yong mga labi
Sa mga pinangako mo sakin?
Kahit anong layo bat parang ang lapit mo pa rin
Babalik balik ka rin, kahit balibaliktarin
Di ka inantay, pero biglaang ka lang dumating
Balang araw, kakayanin ko na rin na harapin
Na kahit sino pang hanapi'y babalik balik ka rin
Kahit na
Humanap ka pa nang iba
'Ding hindi nya matutumbasan
Pag-ibig nating dalawa, walang makakapantay
Kaya sana'y tanggapin
At ating harapin
Ano man ang dumating; mananatili pa ring para sayo lang sinta
Hey, hindi ko man masabi sayo (sa iyo)
Ang puso ko'y sayo tumitibok (tumitibok)
Ating oras man ngayo'y magkalayo
Laging hantungan pabalik pa rin sayo
Sayo, pabalik pa rin sayo
Malayo man, babalik pa rin sayo
Sayo, pabalik pa rin sayo
Sayo, babalik pa rin ako



Writer(s): Karl Ayn Escalona, Neil John Subong


esseca - SAYO - Single
Album SAYO - Single
date of release
19-03-2021

1 SAYO




Attention! Feel free to leave feedback.