Asin - Anak paroles de chanson

paroles de chanson Anak - Asin



No'ng isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo'y
'Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka ng
Iyong amang tuwang-tuwa sa'yo
Ngayon nga'y malaki ka na
Nais mo'y maging malaya
'Di man sila payag
Walang magagawa
Ikaw nga'y biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'y sinuway mo
'Di mo man lang inisip
Na ang kanilang ginagawa'y
Para sa iyo
'Pagka't ang nais mo'y
Masunod ang layaw mo
'Di mo sila pinapansin
Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong
Sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong, "Anak
Ba't ka nagkaganyan?"
At ang iyong mata'y
Biglang lumuha nang 'di mo pinapansin
Pagsisisi at sa isip mo't
Nalaman mong ika'y nagkamali
Pagsisisi at sa isip mo't
Nalaman mong ika'y nagkamali
Pagsisisi at sa isip mo't
Nalaman mong ika'y nagkamali
Pagsisisi at sa isip mo't
Nalaman mong ika'y nagkamali



Writer(s): Aguilar Ferdinand P Freddie, Aguilar Freddie


Asin - Special Collector's Edition: Masdan Mo Ang Kapaligiran




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.