Asin - Ang Bayan Kong Sinilangan paroles de chanson

paroles de chanson Ang Bayan Kong Sinilangan - Asin



Ako'y isinilang sa isang bayan ng Cotabato
Kasinggulo ng tao, kasinggulo ng mundo
Dahil 'di magkasundo sa relihiyon at prinsipyo
Nagkagulo
Ang bayan ko sa Cotabato, kasinggulo ng isip ko
'Di alam saan nanggaling, 'di alam saan patungo
Kapatid sa kapatid, laman sa laman
Sila-sila ang naglalaban
'Di ko alam ang dahilan ng gulo
Bakit nagkagano'n, ang sagot sa tanong ko
Bakit kayo nag-away, bakit kayo nagkagulo
Prinsipyo mo'y igagalang ko
Kung ako'y 'yong nirespeto
Kung nagtulungan kayo
'Di sana magulo ang bayan ko
Sa bayan kong sinilangan, sa timog Cotabato
Ako ay namulat sa napakalaking gulo
Dahil walang respeto
Sa prinsipyo ng kapwa tao
Kapwa Pilipino ay pinapahirapan mo...
Ang gulo
Ako'y nananawagan, humihingi ng tulong n'yo
Kapayapaa'y bigyan ng daan
Kapayapaan sa bayan ko
Bakit kailangan pang maglaban
Magkapatid kayo sa dugo
Kailan kayo magkakasundo
Kapayapaa'y kailan matatamo ng bayan ko
Kung ako'y may maitutulong
Tutulong nang buong puso
Gitara ko'y aking inaalay
Kung magkagulo'y gamitin mo
Kung ang kalaba'y walang puso
Puso na rin ang gamitin mo
Ituring mong 'sang kaibigan
Isipin mong siya'y may puso rin katulad mo
Sa bayan kong sinilangan
(Bakit may gulo)
Sa timog Cotabato
(Sa timog Cotabato)
Ako ay namulat
(Kailan matatapos)
Sa napakalaking gulo
(Ang gulo)
Dahil walang respeto
(Kailan magkakasundo)
Sa prinsipyo ng kapwa tao
(Ang tao)
Kapwa Pilipino
(Kapwa Pilipino)
Ay kinakalaban mo
(Bakit kinalaban mo)
Ang gulo...



Writer(s): Cesar Banares Jr., Lolita Carbon


Asin - Special Collector's Edition: Masdan Mo Ang Kapaligiran




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.