Gloc 9 feat. Monty Macalino of Mayonnaise - Sagwan paroles de chanson

paroles de chanson Sagwan - Gloc 9 feat. Monty Macalino



Kahit malalim lulusungin ko
Lahat ng alon haharangin ko
Kahit malayo tatahakin ko kung ito'y babalik sayo
Maraming beses man lumisan pa
Sayo parin palagi ang punta
Kahit ilang bagyo wala sa akin makakapigil pa
Makita lang kita
Seaman ang tawag sa amin
Ibat-iba man ang gawain
Halina't kilalanin mo
Ako man ay pasalinsalin
Parang ihip ng hangin
Kailangan unawain nyo ako
Si Domingo Evahelista
Ako'y nanggaling pang probinsya
Lumuwas doon sa Maynila
Baka sakali lang kumita
Ng pang gastos sa bawat araw nangangarap na balang araw
Mag sagwan sa malaking bangka ang tawag ay barko
Taga hugas ng pinggan
Pagkatapos ligpitin ang pinagkainan
Uniporme kong puti na palagi madumi
Wag nyo na tignan inyo pakinggan
Ang kwento ng bawat tao sa dagat
Palutang lutang sa tubig alat
Makapag trabaho ang tanging bala
Para sa pamilya handang sumabak ang mga
Seaman ang tawag sa amin
Ibat-iba man ang gawain
Halina't kilalanin mo
Ako man ay pasalinsalin
Parang ihip ng hangin
Kailangan unawain nyo ako
Akoy mangaawit sa barko pag gabi
Tawag sa akin ay Rey pero pangalan ko ay Rene
Sunod-sunod ang mga tip kaya laging may pang bili
Kahit ano kakantahin basta malakas ang tili
Kapag bumirit kinikilig lahat ng kababaihan
Oo ang sagot kahit hindi ko pa nililigawan
Halu-halong pabango na ang kumapit sa unan
Hindi na mabilang kaya ngayon may karamdaman
Ako naman si Tonio ang kanang kamay ng kapitan
Asensado na tila ba walang mapaglagyan ng salapi
Pag uwi mahirap mag ngiti
Parang mali ang tubo ng mga iniwang kong binhi
Nalulong sa bisyo at tumigil na sa pag-aaral
Palaging naka ngiti ang kilos ay tila mabagal
Ang mahal ko asawa tangay ang lahat ng takal
Karangyaan pa pala ang siyang dahilan ang sagabal sa buhay
Kahit malalim lulusungin ko
Lahat ng alon haharangin ko
Kahit malayo tatahakin ko kung ito'y babalik sayo
Maraming beses mang lumisan pa
Sayo parin palagi ang punta
Kahit ilang bagyo wala sa akin makakapigil pa
Makita lang kita
Napunasan ko na po ang kahuli-hulihang plato
Na linisan ko na din at mabango na mga banyo
Habang nag papahinga at mag isa sa aking kwarto
Paulit-ulit ko sinasabi ang aking pangako
Sa aking pamilya at mga anak asawa na iwan sa Pilipinas
Nakakaiyak man di binitawan larawan nyo
Kahit pa na susuka na ako sa alon
Ang inyong kinabukasan ang siyang tanging ko baon
At ng lumaon ay makauwi sabay na umahon
Sa kahirapan na bahagi na lamang ng kahapon
Pero sanay maintindihan upang muling masindihan
Natin ang kalan at ng malagyan ang hapagkainan
Lalayo muli dadaong sa ibang bayan
Kahit madalas ay dagat lang ang nasisilayan
Sampu ng mga kababayan ko tinitibayan
Pagasa na tangan-tangan na singtibay ng kawayan
Kahit malalim lulusungin ko
Lahat ng alon haharangin ko
Kahit malayo tatahakin ko kung ito'y babalik sayo
Maraming beses mang lumisan pa
Sayo parin palagi ang punta
Kahit ilang bagyo wala sa akin makakapigil pa
Makita lang kita
Seaman ang tawag sa amin
Ibat-iba man ang gawain
Halina't kilalanin mo
Ako man ay pasalinsalin
Parang ihip ng hangin
Kailangan unawain nyo ako



Writer(s): Aristotle Pollisco


Gloc 9 feat. Monty Macalino of Mayonnaise - Sukli
Album Sukli
date de sortie
01-01-2016



Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.