John Roa - Di Ako FBoy paroles de chanson

paroles de chanson Di Ako FBoy - John Roa



Ano bang meron?
Ba't 'di mo ako kayang pansinin
Pangit ba 'ko sa'yong paningin?
Ano bang meron?
Natatakot ka ba?
Na baka ay masaktan kita?
Pero, sinta 'wag kang mag-alala
'Di naman ako tulad ng iba, ahhh ahhh
Wala naman akong magagarang kotse
Wala din akong perang marami
Pero ang kaya kong ibigay ay ang puso ko
Pero sana naman ako'y...
Pagbigyan mo na sana ako
'Di naman ako tulad ng inaakala mo
'Di naman ako gwapo, wala ring auto
At ang kayang ibigay lang ay ang puso ko
Kaya 'wag mo na sana 'kong itaboy
Kase 'di naman ako, fuckboy
Alam ko na takot ka lang
Tila ba nagdadalawang-isip
'Di mo kailangan mangamba
Alam ko na nasaktan ka
Tiwala mo'y nasira na
'Di ka iiwanan dito mag-isa
Dahil kahit na wala man akong magagarang kotse
Wala rin akong perang marami
Pero pangako habang buhay kang mamahalin
Kaya sana naman ako'y dinggin
Pagbigyan mo na sana ako
'Di naman ako tulad ng inaakala mo
'Di naman ako gwapo, wala ring auto
At ang kayang ibigay lang ay ang puso ko
Kaya 'wag mo na sana 'kong itaboy
Mahirap daw kase magtiwala
Hindi din madali ang maniwala
Sa mga pangako na maaari kong bitawan
Kaya sana naman ay paniwalaan
Kasi 'di naman ako fuckboy
Pagbigyan mo na sana ako
'Di naman ako tulad ng inaakala mo
'Di naman ako gwapo, wala ring auto
At ang kayang ibigay lang ay ang puso ko
Kaya 'wag mo na sana 'kong itaboy
Kase 'di naman ako, fuckboy




John Roa - Di Ako Fboy
Album Di Ako Fboy
date de sortie
06-08-2018




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.