Noel Cabangon - Malaya paroles de chanson

paroles de chanson Malaya - Noel Cabangon



Pasensya na, kung patutulugin muna
Ang pusong napagod sa kahihintay
Kaya sa natitirang segundong kayakap ka
Maari bang magkunwaring akin ka pa?
Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit
Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi
Kung ′di pipilitin ang 'di pa para sa′kin
Baka sakaling maibalik
Malaya ka na, malaya
Isusuko na ang sandata, aatras na sa laban
'Di dahil naduduwag kundi dahil mahal kita
Mahirap nang labanan mga espada ng orasan
Kung pipilitin pa, lalo lang masasaktan
Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit
Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi
Kung 'di pipilitin ang ′di pa para sa′kin
Baka sakaling maibalik
Malaya ka na, malaya
Malaya ka na, malaya



Writer(s): Moira Dela Torre


Noel Cabangon - Malaya - Single
Album Malaya - Single
date de sortie
17-04-2020

1 Malaya




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.