Piolo Pascual - Ikaw Pa Rin Pala paroles de chanson

paroles de chanson Ikaw Pa Rin Pala - Piolo Pascual



Minsan tayo ay nagsumpaan
Habang-buhay magmamahalan
Minsan tayong dalawa'y nangako
Na iisa ang ating puso
Ngunit lahat ng iya'y nagbago
Pag-iibigan ay naglaho
Ikaw ay nasaktan, ako ay iniwan
'Di ka man lamang nagpaalam
Ilang taon na rin ang lumipas
Ika'y nakita at 'di ko magawang umiwas
At nang titigan ka'y bigla kong naalala
Ang tamis ng iyong halik, yakap mong napakahigpit
Hindi pa rin nagbabago ang damdamin ko sa 'yo
At sabi mo'y hanggang ngayo'y mahal mo pa ako
Bakit kita nasaktan? Bakit ako'y iniwan?
Akala ko'y wala na akong maaasahan
Ikaw pa rin pala ang aking mamahalin
Ikaw pa rin pala ang iibigin
Hindi ko akalain na pagkatapos ng lahat
Ikaw pa rin pala ang mamahalin
Mula ngayo'y 'di ka pababayaan, aking mahal
Hinding-hindi na papayag, mawala kang muli
Sa piling ko, oh, mahal ko
Ikaw pa rin pala ang aking mamahalin
Ikaw pa rin pala ang iibigin
Hindi ko akalain na pagkatapos ng lahat
Ikaw pa rin pala, ikaw pa rin pala
Ikaw pa rin pala ang mamahalin



Writer(s): Ogie Alcasid


Piolo Pascual - Piolo
Album Piolo
date de sortie
01-03-2003




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.